Ang Adams Prize (sa Tagalog: Gantimpalang Adams) ay isa sa mga pinakaprestihiyosong parangal na iginagawad ng Unibersidad ng Cambridge. Ito ay iginagawad kada taon ng mga guro ng matematika sa Unibersidad ng Cambridge at Kolehiyo ng St. John sa mga matematiko na nakabase sa UK para sa kanilang pambihirang pananaliksik sa Mathematical Sciences.
Ang parangal na ito ay ipinangalan sa matematikong si John Couch Adams. Ito ay ipinagkaloob ng mga miyembro ng Kolehiyo ng St. John at naaprubahan ng senado ng pamantasan noong 1848 upang kilalanin ang ang pagiging bahagi ni Adams sa pagkakatuklas sa planetang Neptuno. Orihinal na para lamang sa mga nagsipagtapos sa Cambridge, ang kasalukuyang kasunduan ay ang matematiko ay dapat nakatira sa UK na may gulang na mas mababa sa 40. Taun-taon ay may mga aplikasyon na tinatanggap mula sa mga matematikong nagpakadalubhasa sa isang larangan ng matematika. Sa pagsapit ng 2012, ang gantimpala ng Adams ay nagkakahalaga ng halos £ 14,000. Ang premyo ay nahahati sa tatlong bahagi. Ang unang sangkatlo ay ibinibigay mismo sa kandidato; ang kasunod na sangkatlo ay ibinabayad sa institusyon ng kandidato upang pondohan ang mga gastusin sa pananaliksik; at ang huling sangkatlo ay ibinabayad sa publikasyon ng survey paper sa larangan ng nanalo sa major mathematics journal.
Ang parangal na ito ay naibigay na sa mga kilalang matematiko kagaya nina James Clerk Maxwell at Sir William Hodge. Kauna-unahan itong iginawad sa babaeng matematiko noong 2002 nang ibigay ito kay Susan Howson, isang propesor sa Unibersidad ng Nottingham, para sa kanyang gawa sa teoriya ng bilang at elliptic curves.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite book}}

: Unknown parameter |deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: Unknown parameter |deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)().