Ambrosio Rianzares Bautista

Ambrosio Rianzares Bautista
Kapanganakan17 Disyembre 1830(1830-12-17)
Kamatayan4 Disyembre 1903(1903-12-04) (edad 72)
Ibang pangalanDon Bosyong
NagtaposPamantasan ng Santo Tomas
TrabahoAbogado
Kilala saMay-akda ng Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas

Si Ambrosio Rianzares Bautista (17 Disyembre 1830 – 4 Disyembre 1903), higit na kilala bilang Don Bosyong, ay isang Pilipinong abogado at ang may-akda ng Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas. Isang malayong kamag-anak ng pamilyang Rizal, [1] kadalasang nagbibigay ng payo si Bautista kay José Rizal, isang Pilipinong nasyonalista, habang nag-aaral siya sa Maynila.[2]

Ipinanganak si Bautista sa Biñan, Laguna kina Gregorio Enriquez Bautista at Silvestra Altamira. Pumasok siya sa preparatoryong paaralan sa Biñan at nag-aral ng batas sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST), na nakuha ng digri noong 1865. Sa kalaunan, nagsanay siya bilang abogado sa Maynila at nag-alok ng libreng ligal na serbisyo sa mga mahihirap na kliyente.

Noong 1898, si Bautista ang naging unang tagapayo ni Pangulong Emilio Aguinaldo at pagkatapos sinulat ang Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas.[3]

Salungat sa karaniwang paniniwala, si Bautista at hindi si Aguinaldo ang nagwagayway ng watawat ng Pilipinas sa harap ng nagsasayang umpukan ng tao noong Hunyo 12, 1898, sa panahon ng Pagproklama ng Kalayaan ng Pilipinas sa Kabite.[4][3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Cinco, Maricar (2020-06-11). "Biñan honors little-known player in Independence Day rites". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 2021-07-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  2. "Unveiling Biñan's Gallant History | Sangguniang Panlungsod ng Biñan" (sa wikang Ingles). Sangguniang Panlungsod ng Biñan (City Council of Biñan). 2017-12-29. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-07-13. Nakuha noong 2021-07-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Bauzon, Kenneth E. (2019). Capitalism, The American Empire, and Neoliberal Globalization. Themes and Annotations from Selected Works of E. San Juan, Jr (sa wikang Ingles). Palgrave Macmillan and De La Salle University Publishing House. p. 85. ISBN 9789813290808.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Dumindin, Arnaldo (2006). "Philippine-American War, 1899-1902" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-09-05. Nakuha noong 2021-07-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)