Ang Uwak at ang Pitsel ay isa sa mga Pabula ni Esopo, na may bilang na 390 sa Indeks ni Perry. Iniuugnay nito ang sinaunang obserbasyon ng ugaling korvido, na kinumpirma ng mga kamakailang siyentipikong pag-aaral, na pinapatnubayan ng layunin at nagpapahiwatig ng kaalamang may sanhi sa halip na dahil lamang sa instrumental na pagkokondisyon.
Ang pabula ay ginawang paksa ng isang tula noong unang dantaong CE ng Makatang Griyego na si Bianor,[1] at naisama sa ika-2 dantaong koleksyong pabula na seudo-Dositeo at lumabas kalaunan noong ika-4–ika-5 dantaong koleksyong taludtod sa Latin ni Aviano.[2] Sinusubaybayan ang kasaysayan ng pabula na ito noong sinaunang panahon at ang Gitnang Panahon sa Hie lert uns der meister: Latin Commentary and the Germany Fable ni AE Wright.[3]
Tungkol ang kuwentong pabula sa isang uhaw na uwak na natagpuan ang isang pitsel na may lamang tubig sa ilalim, na hindi maabot ng kanyang tuka. Matapos mabigong itulak ito, isa-isang nagbagsak ang ibon ng mga maliliit na bato hanggang sa tumaas ang tubig sa tuktok ng pitsel, na pinahintulutan itong makainom. Sa kanyang pagsasalayay, sinundan ito ni Aviano ng isang moral na nagbibigay-diin sa kabutihan ng katalinuhan: "Ang pabula na ito ay nagpapakita sa atin na ang pagiging maalalahanin ay nakahihigit sa mabagsik na lakas." Idiniin ng ibang tagapagsalaysay ng kuwento ang pagtitiyaga ng uwak. Sa edisyon ni Francis Barlow, inilapat sa kuwento ang salawikain na 'Ang pangangailangan ay ang ina ng imbensyon'[4] habang binanggit ng muling pagkukuwento noong ika-20 dantaon ang salawikain na 'Kung gusto, may paraan'.[5]
Mababakas ang artistikong paggamit ng pabula noong panahon ng mga sinaunang Romano, dahil inakala ang isa sa mga mosaiko na nakaligtas na may kuwento ng uwak at pitsel bilang paksa nito.[6] Kasama sa mga modernong katumbas ang mga Ingles na mga baldosa mula noong ika-18[7] at ika-19 na dantaon[8] at isang Amerikanong mural ni Justin C. Gruelle (1889-1978), na nilikha para sa isang paaralan sa Connecticut.[9] Ang mga ito at ang mga ilustrasyon sa mga aklat ng mga kuwento ay walang sapat na posibilidad para sa imbensyon. Ang pinakamalaking pagkakaiba-iba ay sa uri ng lalagyan na ginamit at sa loob ng mga nagdaang siglo, nagbago ang mga ito mula sa isang simpleng palayok hanggang detalyadong mga pitsel na Griyego.[10]
Kalaunang naisamusika ang pabula ni Howard J. Buss bilang ikaapat na aytem sa kanyang "Fables from Aesop" (2002).[11]
Ang naturalistang Romano na si Plinio ang Nakatatanda ang pinakaunang nagpatotoo na sumasalamin ang kuwernto sa pag-uugali ng totoong buhay na mga korbido. Noong Agosto 2009, isang pag-aaral na inilathala sa Current Biology ang nagsiwalat na ang mga graho, kamag-anak ng mga uwak, ay katulad ng ginagawa ng uwak sa pabula kapag ipinakita sa isang katulad na situwasyon.[12] Natagpuan ng etolohista na si Nicola Clayton, na isinasaalang-alang din ang pabula bilang panimulang punto,[13] ang ibang mga korvido na may kakayahang mag-isip tulad ng ipinakita doon.[14] Nakapaghulog ng mga bato ang mga arendahong Euroasyatiko sa isang pitsel ng tubig upang tumaas ang antas ng tubig. Nagpatunay ang karagdagang pananaliksik na naunawaan ng mga ibon na dapat may lamang likido ang pitsel sa halip na isang solido para gumana ito, at dapat lumulubog ang mga bagay na hinuhulog sa halip na lumutang. Pareho din ang nangyayari sa mga uwak n Corvus moneduloides,[15][16][17] subalit mukhang hindi ganito sa arendahong Aphelocoma californica.[18] Ang mga natuklasan ay may mas mataas na antas ng kaalaman sa intelihensiya ng ibon; ang arendahong Euroasyatiko ay hindi pa siyentipikong naobserbahan na gumamit ng mga kasangkapan sa ilang o habang nakabihag. Ipinahiwatig din ng pananaliksik na ang pisikal na kognisyon ay umusbong nang mas maaga sa pamilyang korbido kaysa sa naunang naisip dahil ang hindi malapit na kamag-anak na mga uwak at kuwerbo ay kilala na sa mataas na marka sa mga pagsusulit sa katalinuhan, na may ilang mga espesye na nangunguna sa sukatang IQ na pang-ibon[19] at mahusay na nakadokumento ang paggamit ng kasangkapan o kagamitan. Pumasa din ang mga hindi kamag-anak na ibon, ang Quiscalus mexicanus, sa pagsubok dahil sa kahanga-hangang kakayahang umangkop ng gawi.[20] Naobserbahan din ang ganitong paggamit ng kagamitan sa mga dakilang bakulaw at nabanggit ng mga mananaliksik na pinaris nila ang kanilang mga natuklasan at ang pabula.[21]
{{cite journal}}
: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
{{cite journal}}
: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)