Anggitay | |
---|---|
Pamagat | Anggitay |
Paglalarawan | Kentaurides ng Pilipinas |
Kasarian | Babae |
Rehiyon | Pilipinas |
Katumbas | Sentauro, Tikbalang, Centauride |
Ang Anggitay ay isang nilalang na may pang-itaas na katawan ng isang babaeng tao at ng isang kabayo mula sa balakang paibaba.[1] Sila ang katambal sa Pilipinas ng Kentaurides, ang babaeng sentauro. Pinaniniwalaan din sila bilang babaeng katapat ng Tikbalang.
Kung minsan, inilalarawan silang may isang sungay sa gitna ng kanilang noo katulad ng isang unikorniyo. Karaniwang nilalarawan sila bilang naaakit sa mahalang batong-hiyas, at mga alahas.[1]
Pinaniniwalaang pangkaraniwang lumilitaw ang Anggitay kapag umuulan bagaman ang kalangitan ay maaliwalas.[2]