Anos | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
(walang ranggo): | |
(walang ranggo): | |
(walang ranggo): | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Subpamilya: | |
Supertribo: | |
Tribo: | |
Subtribo: | |
Sari: | |
Espesye: | S. lima
|
Pangalang binomial | |
Schizostachyum lima (Blanco) Merrill[1]
|
Ang Anos (Ngalang-agham: Schizostachyum lima)[1][2] ay isang uri ng namumulaklak[1][2] na kawayang likas na natatagpuan sa Pilipinas.[1][2] Ito'y pinapalaganap sa pamamagitan ng binhi, o gamit ang gahiwang rhizome.[1][2] Madalas itong gamitin sa paggawa ng sawali, pamingwit, kasangkapang pangtugtugin[2]. Sa mga malalayong pook, ginagamit ng ilang hilot ang kutsilyong yari sa Anos para patirin ang lawit ng pusod ng bata.[1]
Ang pangalan ng Barangay Anos sa Los Baños, Laguna ay hango sa kawayang ito.
Ang anos ay isa sa 49 uri ng kawayan sa Pilipinas, at isa sa walong uri na madalas ginagamit ng mga Pilipino.[3] Ang pitong iba pa ay : bayog (Dendrocalamus merilliana); botong (Dendrocalamus latiflorus); buho (Schizostachyum lumampao); kawayang bolo (Gigantochloa levis); kawayan kiling (Bambusa vulgaris); kawayan tinik (Bambusa spinosa); at ang tinaguriang "giant bamboo" (Dendrocalamus asper).[3]
Sa ibang sanggunian, inililista ang Puser (Cyrtochloa fenexii[4]) kapalit ng kawayan kiling.[5])
{{cite conference}}
: Unknown parameter |booktitle=
ignored (|book-title=
suggested) (tulong)CS1 maint: date format (link)
{{cite conference}}
: |access-date=
requires |url=
(tulong); Unknown parameter |booktitle=
ignored (|book-title=
suggested) (tulong)
{{cite conference}}
: Unknown parameter |booktitle=
ignored (|book-title=
suggested) (tulong)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.