Armida Siguion-Reyna | |
---|---|
Tagapangulo ng Lupon sa Rebyu at Klasipikasyon ng Pelikula at Telebisyon | |
Nasa puwesto Hunyo 30, 1998 – Enero 20, 2001 | |
Pangulo | Joseph Estrada |
Nakaraang sinundan | Jesus C. Sison |
Sinundan ni | Nicanor Tiongson |
Personal na detalye | |
Isinilang | Armida Liwanag Ponce Enrile 4 Nobyembre 1930 Malabon, Rizal, Kapuluang Pilipinas |
Yumao | 11 Pebrero 2019 Makati, Pilipinas | (edad 88)
Si Armida Ponce-Enrile Siguion-Reyna (Nobyembre 4, 1930 – Pebrero 11, 2019) ay isang artista sa Pilipinas. Una siyang nakilala bilang mang-aawit at host sa kanyang sariling programa sa telebisyon, ang Aawitan Kita, noong maagang bahagi ng dekada 1970. Tumanyag ang kanyang awiting "Aawitan Kita".
Sinubukan niya ang pelikula at dito rin ay siya nakilala bilang isa sa mga magagaling na suportang aktres at nagkamit na rin ng ilang gawad parangal sa iba't-ibang akademya. Si Siguion-Reyna ay nagtayo rin ng sariling mga kompanya ng pelikula ang Pera Films at Reyna Films.
Noong naging Pangulo ng Pilipinas si Joseph Estrada, si Siguion-Reyna ay naging tagapangulo ng Lupon sa Rebyu at Klasipikasyon ng Pelikula at Telebisyon.
Kapatid niya sa ama si Juan Ponce Enrile, isang politiko na nanungkulang senador at Pangulo ng Senado ng Pilipinas.[1]