Aroskaldo

Aroskaldo
Aroskaldong manok na may kasubha
Ibang tawagarroz caldo, caldo de arroz, arroz caldo con pollo, chicken arroz caldo, chicken pospas
KursoPangunahing ulam
LugarPilipinas
Rehiyon o bansaLuzon
Ihain nangMainit
Pangunahing Sangkapmalagkit, luya, manok, tostadong bawang, iskalyon, paminta, kasubha
Baryasyonpospas, arroz caldong palaka
Mga katuladGoto, lugaw, Congee

Ang aroskaldo, na binabaybay rin bilang arroz caldo, ay isang Pilipinong lugaw na gawa sa kanin at manok na may hinalong luya at pinalamuti ng tostadong bawang, berdeng sibuyas, at paminta. Karaniwang ihinahain ito na may kasamang kalamansi o patis bilang mga pampalasa, pati na rin ng isang nilagang itlog. Karamihan sa mga bersyon ay nagdaragdag din kasubha na nagpapadilaw sa putahe. Kilala rin ang aroskaldo bilang pospas sa mga Kabisayaan, kahit na nag-iiba nang konti ang mga sangkap ng pospas.

Isang uri ng lugaw ang aroskaldo. Itinuturing itong pagkaing pangginhawa sa kultura ng Pilipinas at isang sikat na pang-almusal.

Nanggaling ang pangalan sa Kastilang arroz ("bigas") at caldo ("sabaw").[1] Tumukoy ito dati sa lahat ng mga uri ng mga lugaw, ngunit dumating sa punto na tumutukoy ito sa isang tiyak na uri ng lugaw na gumagamit ng manok at todo-todong hinalo ng luya.[2][3][4]

Kahit na may Kastilang pangalan ang aroskaldo nagmula ito sa congee na ipinakilala ng mga migranteng Tsinong Pilipino. Nagbago bago ito paglipas ng mga siglo na gumagamit na ito ng mga Pilipinong sangkap at umaangkop sa mga lokal na kagustuhan.[5]

Kadalasang inihahain ang aroskaldo kasama ng kalamansi

Ang aroskaldo ay karaniwang gawa sa malagkit, ngunit maaari ring magawa mula sa pinakuluang kanin na may sobrang tubig. Karaniwang niluluto muna ang mga piraso ng manok sa maluyang sabaw. Nilalabas ang mga piraso ng manok at tinatadtad kapag malambot na ang mga ito. Pagkatapos, muling idinadagdag ito kasama ng bigas. Patuloy-tuloy na hinahalo ang bigas habang nagluluto ito upang maiwasan ang pagdikit ito sa palayok.[6][7][8] Nanggaling ang kilalang kulay dilaw ng putahe mula sa kasubha). Sa mas mga mamahaling bersyon, maaaring gamitin ang asapran na nagpapasarap ng lasa, hindi tulad ng kasubha.[9][10] Kapag hindi magagamit ang mga ito, ginagamit ng mga ilang bersyon ng luyang-dilaw bilang alternatibo.[11]

Inihahain ang aroskaldo sa mga pang-isahang mangkok na may isang nilagang itlog. Pinalalamutian ito ng tostadong bawang, tinadtad na berdeng sibuyas, at paminta. Maaari ring idagdag ang tinadtad na tsitsaron bilang pampalutong at pampalasa. Kahit na napakabango ang aroskaldo, kadalasang hindi ito malasa at sa gayon ay kailangang dagdagan pa ng iba't ibang mga rekado. Kalamansi at patis ang mga pinakakaraniwang pampalasa. Maaaring pumalit ang dayap o lemon sa kalamansi bilang kahalili.[12][13]

Ang aroskaldo ay itinuturing na pagkaing pangginahawa sa lutuing Pilipino. Karaniwan itong kinakain pang-alumsal, sa mga mas malalamig na buwan, kapag umuulan, at ng mga taong may sakit o nakaratay. Kinakain ito habang mainit o mainit-init, dahil lumalapot ang putahe kung iiwanan. Maaari itong painitin muli ng pagdaragdag ng kaunting tubig.[10][13][14][15]

Ang Bisayang pospas na manok mula sa Cebu na walang kasubha

Sa Kabisayaan, kilala ang lugaw na malinamnam bilang pospas. Itinuturing ang pospas na manok bilang direktang katumbas ng aroskaldo. Ang pagkakaiba ng dalawa ay karaniwang walang kasubha sa pospas, hindi katulad sa aroskaldo.[16][17]

Ang isang mas pambihirang baryante ng aroskaldo ay ang aroskaldong palaka na may binti ng palaka. Kabilang sa mga di-tradisyonal na baryante ang mga pambeganismo na gumagamit ng mga kabute o tokwa sa halip na karne.[18]

Kahawig ang goto sa aroskaldo ngunit itinuturing ito na ibang uri ng lugaw dahil kaunti lamang ang ginagamit niyang luya. Magkatulad ang paghahanda nito sa aroskaldo ngunit gawa ito sa tripang baka na nababad at pinakuluan nang iilang oras hanggang lumambot. Kilala rin ito bilang arroz caldo con goto o arroz con goto, mula sa Tagalog na goto.[2] It is prepared similarly as arroz caldo but uses beef tripe that has been soaked and boiled for hours until very tender. It is also known as arroz caldo con goto or arroz con goto, from Tagalog goto ("tripe").[1][19]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Edgie Polistico (2017). Philippine Food, Cooking, & Dining Dictionary. Anvil Publishing, Incorporated. ISBN 9786214200870. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-04-03. Nakuha noong 2019-09-28.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Castro, Jasper. "Here's How To Tell Lugaw, Congee, Goto, and Arroz Caldo From Each Other". Yummy.ph. Nakuha noong 6 Disyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Reynaldo G. Alejandro (1985). The Philippine Cookbook. Penguin. p. 38. ISBN 9780399511448.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Miranda, Pauline. "The difference between lugaw, goto, and arroz caldo". Nolisolo. Nakuha noong 6 Disyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Trivedi-Grenier, Leena (2 Pebrero 2018). "Janice Dulce passes along Filipino culture via arroz caldo". San Francisco Chronicle. Nakuha noong 6 Disyembre 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Amy Besa & Romy Dorotan (2014). Memories of Philippine Kitchens. Abrams. ISBN 9781613128084.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Nadine Sarreal (2017). "Rice Broth". Sa Edgar Maranan & Len Maranan-Goldstein (pat.). A Taste of Home: Pinoy Expats and Food Memories. Anvil Publishing, Incorporated. ISBN 9789712733031. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-12-07. Nakuha noong 2019-09-28.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Duggan, Tara (28 Hulyo 2016). "The Philippines: Arroz Caldo by Jun Belen". San Francisco Chronicle. Nakuha noong 6 Disyembre 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Merano, Vanjo. "Chicken Arroz Caldo Recipe". Panlasang Pinoy. Nakuha noong 6 Disyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 Agbanlog, Liza. "Arroz Caldo (Filipino Style Congee)". Salu Salo Recipes. Nakuha noong 6 Disyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Turmeric Arroz Caldo (Filipino Chicken Congee w a Twist) - Lugaw w Brown Red Rice". Cookpad. Nakuha noong 6 Disyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Pospas / Arroz Caldo / Lugaw / Congee / Rice & Chicken Gruel". Market Manila. Nakuha noong 6 Disyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 "Arroz Caldo". Genius Kitchen. Nakuha noong 6 Disyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Chicken Arroz Caldo – A Filipino Christmas Rice Porridge". Wishful Chef. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Disyembre 2018. Nakuha noong 6 Disyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Phanomrat, Jen. "Filipino Arroz Caldo". Tastemade. Nakuha noong 6 Disyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Newman, Yasmin. "Arroz Caldo (Chicken Rice Porridge)". Epicurious. Nakuha noong 6 Disyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Inato Lang: Pospas". SuperBalita Cebu. 9 Nobyembre 2013. Nakuha noong 6 Disyembre 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Jennifer Aranas (2012). The Filipino-American Kitchen: Traditional Recipes, Contemporary Flavors. Tuttle Publishing. ISBN 9781462904914.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Goto". Kawaling Pinoy. Nakuha noong 6 Disyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)