Bahaging pribado

Ang personal na bahagi o pribadong parte ng katawan ay isang lugar sa katawan ng tao na nakagawiang tinatakpan ng kasuotan habang nasa mga pampublikong mga pook at mga tagpuang kumbensyunal, bilang pagbibigay ng kahalagahan sa pagiging disente, dekorum (kawastuhan ng asal at pakikiharap sa ibang mga tao), etiketa, at paggalang. Ang kataga ay isang eupemismo.

Magkakaiba ang mga kahulugan, subalit sa kulturang Kanluranin ang mga ito ay pangunahing mga bahagi ng katawan na kasangkot sa pagkaantig na seksuwal, prokreasyon, at eliminasyon ng ekskreta (produktong dumi ng katawan) at kaugnay na materya, kasama ang:

Ang terminong mga pribadong bahagi ay maaaring unawain bilang panlabas na mga parte ng katawan lamang kapag walang saplot, sa halip na mga bahagi ng katawan na mas pangkaraniwang tinutukoy. Halimbawa, kapag nakahubo't hubad, ang gatlang pudendal ng babae ay pangunahing nakikita sa halip na ang puke,[1] at ang iskrotum (supot ng bayag) ay nakikita sa halip na ang testis (mga testes, o itlog ng bayag) na nakapaloob sa loob ng iskrotum.[2]

Ang mga suso ng babae ay itinuturing bilang mga parteng natatakpan sa karamihan ng mga diwa, subalit may antas ng pagpapaubaya (toleransya) ng walang takip ang dibdib (walang takip ang suso) na magkakaiba sa iba't ibang mga rehiyon at mga kultura. Halimbawa, natuklasan nina Fischtein, Herold at Desmarais (2005) na isang sampol o halimbawa ng 1,479 mga taga-Canada, 72.4% ang nakadama na ang hindi pagtatakip ng suso sa mga kalye ng lungsod ay dapat na maging ilegal, subalit sa mga liwasang pangmadla 62.1% lang ang nakadamang dapat itong gawing ilegal at sa mga pampublikong baybay-dagat 48.1% lamang ang nakadamang dapat itong ituring na ilegal. Ang mga resulta para sa hindi pagtatakip ng dibdib sa mga lansangan ng lungsod ay magkakaiba ayon sa kasarian, na talagang mas maraming kababaihan ang tumugon na dapat itong maging ilegal kaysa sa kalalakihan; ayon sa edad, na ang may gulang na 40-49 ang pinakakaunting (67.5%) ang nag-isip na dapat itong ilegal at yaong may edad na 20-29 ang pinaka mas (79.9%) nag-iisip na gawing itong ilegal; at ayon sa paninindigang panrelihiyon, ang mga nagsisimba o sumasamba ang pinaka mababa na ang linggu-linggo ang pinaka mas nag-iisip (85.1%) na dapat gawin itong ilegal at iyong mga hindi nagsisimba o sumasamba ang pinaka kaunti (57.7%). Ang pagkakaiba o diperensiya ay naging kaunti ang kahalagahan para sa kawalan ng takip ng dibdib sa mga liwasang pampubliko at mas kaunti pa sa para mga kawalan ng takip ng suso sa mga baybay-dagat na pangmadla. Tinampok ng pag-aaral ang saklaw ng mga kaasalan hinggil sa kawalan ng damit sa publikong pook.[3]

Sa ilang mga kapanahunan ng kasaysayan ng Europa, ang mga balikat at binti ng mga babae ay maaaring ituring na mga bahaging pribado. Ang mas konserbatibong pananaw sa Kanluran, sa ilang mga konteksto, ang tumatanaw pa rin na angkop para sa mga babae ang magtakip ng kanilang mga balikat, partikular na kapag pumapasok sa loob ng isang simbahan o ibang sagradong espasyo.

Sa mga kaugaliang pang-Muslim, ang kahulugan ng awrah ay kahalintulad ng ibig sabihin ng mga parteng pribado sa kalinangang Kanluranin. Ang inaabot ng takip para sa katawan ng babae ay sang-ayon sa pagkakataon, subalit maaaring magsama ng buhok, mga balikat at leeg, bilang karagdagan sa naunang nabanggit na mga bahaging pribado. Ang buong katawan maliban sa mukha at mga kamay ay dapat na natatakpan sa harap ng madla o sa harap ng mga lalaking walang kaugnayan ang babae. Sa paaralang pangkaisipan ng Hanafi, na sinusunod ng karamihan sa mga Muslim sa mundo, pinapayagan na ang mga paa ay hindi kabahagi ng awrah kaya't maaaring ipakita.[4]

Ang paglalantad ng mga bahaging pribado ng isang tao, partikular na ang hindi sinasadyang paglalantad, ay ang pangkaraniwang may kaugnayan sa damdamin ng pagkahiya. Ang ganyang paglalantad ay maaaring humantong sa mahigpit na mga panuntunang panlipunan, pagtabang panlipunan, at katarungang pangkrimen; tingnan ang hindi disenteng paghahantad.

Ang sinasadyang paghipo sa mga bahaging pribado ng ibang tao, kahit na habang may damit, ay kadalasang may kaugnayan sa intensiyon seksuwal. Kapag ginawa ito na walang legal na balidong pagpayag ng taong hinipuan, maaari itong ituring na seksuwal na panggigipit o panghahalay.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Vagina Meaning and Example Sentence: Meaning, definition, sample sentence of Vagina". Dictionary 3.0. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-10. Nakuha noong 2011-08-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Health Information—Find Articles, Tools, and Tips at MerckEngage.com". Mercksource.com. 2011-06-25. Nakuha noong 2011-08-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Canadian attitudes toward female topless behaviour: a national survey | Canadian Journal of Human Sexuality, The | Find Articles at BNET". Findarticles.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-08. Nakuha noong 2011-08-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Religions - Islam: Hijab". BBC. 2009-09-03. Nakuha noong 2011-08-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)