Barangay 143 Barangai 143 | |
バランガイ 143 | |
---|---|
Dyanra | Palakasan |
Teleseryeng anime | |
Estudyo | ASI Studios TV Asahi Sunrise |
Inere sa | GMA Network |
Takbo | Oktubre 2018 – Nakatakda |
Ang Barangay 143 (Hapones: バランガイ 143 Hepburn: Barangai 143) ay isang seryeng anime na gawang Hapon, Pilipino, at Singapore na takdang ipalabas sa Oktubre, taong 2018. Ito ay bibigyang-buhay ng ASI Animation Studios (na nabuo sa pagtutulungan ng game developer na Synergy88 ng Pilipinas, August Media Holdings ng Singapore, at Sunrise ng Hapon) nang may pag-gabay ng TV Asahi , isang estasyon ng telebisyon sa Hapon. Ang serye ay iikot sa buhay ng mga mag-aaral na manlalaro ng basketbol sa lungsod ng Maynila.[1][2]
Si Bren Park, isang pausbong na basketbolista mula Timog Korea ay bumisita sa Pilipinas upang hanapin ang kanyang tunay na ama matapos mamatay ang kanyang pamilya dahil sa isang aksidente. Makikilala niya si Coach B, isang batikan sa PIBA, na magtuturo sa kanya ng mga aral patungkol sa paglalaro ng basketbol at sa buhay pangkalahatan.[3] Sa Tondo, makikilala niya ang mga taong hindi niya inaasahan na makatutulong sa kanya na bumuo ng isang ganap na koponan.[4]
Ang ASI Studios ng Quezon City[3], isang pagtutulungan sa pagitan ng kompanyang Synergy88 at August Media Holdings, ang magiging tagapagbigay-buhay sa Barangay 143.[5]
Ipagkakatiwala sa TV Asahi ang magiging direksyon ng Barangay 143 kasama na ang pagsasalarawan ng mga disenyo ng karakter sa serye. Ang ASI Studios naman ang magsusulat ng kwento at mamamahala sa pagpapalabas.[1][6]
Ito ay idinetalye ng may-likha bilang isang "pangkalahatang konsepto" at kwento ng pag-ibig, pagkahambog, drama, krimen at basketbol.[2][7]
Ang serye ay unang ipapalabas sa wikang Tagalog[2] na bibigyang boses ng mga "sikat na artista".[8]
Ang Barangay 143 ay pangunahing nakatuon sa merkado ng mga kabataan sa Pilipinas at may planong ipalabas sa mga karatig-bansa sa Timog Silangang Asya. Maliban sa Tagalog, ang Barangay 143 ay magkakaroon din ng Ingles na paglabas.[9] Unang binalita ng Nikkei na ang anime ay ipapalabas sa Tagsibol ng 2017[1][6][8] sa Pilipinas. Hinihintay pa ang anunsyo kung ipapalabas ang serye sa bansang Hapon.[10]
Ang TV Asahi at August Rights, ang sangay-tagapamahagi ng August Media Holdings, ang mamamahala sa pamamahagi ng anime sa labas ng bansa.[8]
Ang serye ay mapapanood sa GMA 7 sa Oktubre ng taong 2018, ayon sa kanilang website.[11]
Bago ang pag-anunsyo sa anime, isang larong pantelepono na pinamagatang Barangay Basketball ang ipinalabas sa iTunes at Google Play Store. Ang laro ay tungkol kay Wax, anak ng isang dating sikat na basketbolista, na nais patunayan na siya ay isang basketbolista na dapat pagtuunan ng pansin dahilan ng kanyang pakikibahagi sa mga pagsasanay, bigay sa kanya ng apat na mga mahuhusay na basketbolista ng Barangay 143.[12][13] Ang laro ang magsisilbing prekwel sa Barangay 143. Ang laro ay nominado sa kategoryang People’s Choice Award ng International Mobile Gaming Awards ng Timog-Silangang Asya.[14]
Noong Oktubre, taong 2016, inanunsyo ng August Media Holdings na isang subscription game kaakibat ang isang telecommunications company ang ipapalabas sa hinaharap.[2]
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)