Basilika ng San Gaudenzio

Ang simboryo ng Basilika ng San Gaudenzio, isang simbolo ng Novara, ay may 121 metro ang taas.

Ang Basilika ng San Gaudenzio ay isang simbahan sa Novara, Piamonte, hilagang Italya. Ito ang pinakamataas na punto sa lungsod. Ito ay alay kay Gaudencio ng Novara, ang unang Kristiyanong obispo ng lungsod.

Ito ay itinayo sa pagitan ng 1577 at 1690 kasunod ng paggiba ng matandang Basilica, sa utos ni Emperador Carlos V.