![]() | |
Kategorya | Sans-serif |
---|---|
Mga nagdisenyo | Matthew Carter |
Kinomisyon | AT&T |
Foundry | Mergenthaler Linotype |
Petsa ng pagkalikha | 1975–8 |
Petsa ng pagkalabas | 1978 |
Ang Bell Centennial ay isang pamilya ng tipo ng titik na sans-serif na dinisenyo noong 1975-1978 ni Matthew Carter. Kinomisyon ang paggawa nito ng AT&T bilang isang propertaryong tipo na papalit sa kanilang pamilya ng tipo ng titik na Bell Gothic sa okasyon ng isang daang anibersaryo ng AT&T. Nagtratrabaho si Carter para sa Mergenthaler Linotype Company na nililisenya ngayon ang tipo para sa pangkalahatang paggamit ng publiko.