Benjie Paras

Benjie Paras
San Beda Red Lions
PositionAssistant coach
Personal information
Born (1968-10-02) 2 Oktubre 1968 (edad 56)
Caloocan, Pilipinas
NationalityPilipino
Listed height6 tal 4.5 pul (1.94 m)
Listed weight220 lb (100 kg)
Career information
High schoolSan Beda College
CollegeUniversity of the Philippines
PBA draft1989 Round: 1 / Pick: 1st overall
Selected by the Formula Shell
Playing career1989–2003
PositionCenter
Career history
As player:
1989–2002Shell Turbo Chargers
2002–2003San Miguel Beermen
As coach:
2012–kasalukuyanSan Beda Red Lions (NCAA) (assistant)
Career highlights and awards
  • 2x PBA MVP (1989, 1999)
  • PBA Rookie of the Year (1989)
  • PBA Slam Dunk Team Co-Champion (w/ Elmer Lago) (1995)
  • PBA Comeback Player of the Year (1999)
  • 5x PBA Mythical First Team (1989–1991, 1995, 1999)
  • 3x PBA Mythical Second Team (1992, 1994, 1996)
  • 10x PBA All-Star (1989–1992, 1994–1999)
  • 2x PBA All-Star Game Most Valuable Player (1994, 1999)
  • Only PBA Player to win the Most Valuable Player and Rookie of the Year at the same time

Si Venancio Johnson Paras, Jr. (ipinanganak noong Oktubre 2, 1968), na mas kilala sa pangalang Benjie Paras, ay isang retiradong basketbolistang Pilipino na naglaro ng labing apat na taon sa koponan na Shell Turbo Chargers at isang taon (2 konperensya) bilang miyembro ng San Miguel Beermen sa Philippine Basketball Association. Siya ang kaiisa-isang manlalaro sa kasaysayan ng liga na nagwagi ng Rookie of the Year at Most Valuable Player sa isang season, ginawa nya ito noong 1989.

Sa ngayon, si Paras ay lumalabas bilang artista sa telebisyon at mangilan-ngilang pelikula. Host din sya sa isport show na Finish Line.

Amateur career

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Paras ay naglaro ng hayskul basketbol bilang miyembero ng San Beda Red Cubs, sa pinamalas na galing nito nung hayskul nirecrut sya ng Unibersidad ng Pilipinas na maglaro sa kanilang koponan, na noon ay tinatawag na UP Parrots (ngayon ay Fighting Maroons). Sa isang laro pinakita ni Paras ang kanyang pagiging dominante sa pag-iskor ng 19 na puntos, 17 rebounds at 7 blanka laban sa Far Eastern University. Noong 1986 dinala ni Paras ang UP sa UAAP Basketbol Finals laban sa University of the East na pinangungunahan ni Jerry Codiñera. Sa tulong ni Paras nasungkit ng UP ang una nilang kampeonato sa larangan ng basketbol mula pa nung bago pa mag-ikalawang digmaan pandaigdig.

Ang unang taon sa PBA

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kinuha siya ng koponan na Shell nung 1989 PBA Draft, at binansagang The Tower of Power dahil sa kanyang mga post moves, ball handling, mga dunks, pagblanka ng mga tira, isang desenteng jump shot, binuhay niya ang Shell at dinala ito sa isang laban sa kampeonato laban sa San Miguel Beermen, ngunit sila'y natalo. Dahil sa pinamalas na husay nanalo siya ng ' 89 Rookie of the Year Award at nasapawan din niya ang ibang beterano ng liga at siya'y nanalo ng '89 Most Valuable Player Award. Sa ngayon si Paras pa lang ang nakagawa nito sa PBA.


PilipinasArtista Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.