Si Bernardo de la Torre ay isang Kastilang marinero na kilala sa paggalugad ng mga bahagi ng Kanlurang Karagatang Pasipiko sa timog ng Hapon sa ika-16 na siglo.
Naglayag siya sa ilalim ng tagubilin ni Ruy López de Villalobos, na nagsugo sa kanya sa Agosto 1543 sa barkong San Juan de Letran para subukang maghanap ng ruta pabalik sa Kanlurang baybayin ng Mehiko mula sa Pilipinas.
Ito ang naging ikaapat na mabigong tangkain[1] para hanapin ang ruta na makikilala bilang Galeon ng Maynila noong naitatag ito noong 1565. Dumating si De la Torre sa 30°N pero katulad ng kanyang mga hinalinhan, napilitan siyang umatras dahil sa mga bagyo.[1]
Sa panahon ng kanyang paglalakbay, unang nakita ni De la Torre ang mga munting pulo katulad ng Okinotorishima sa modernong-panahon (na binansagan niyang Parece Vela[2]) at, bakasakali, Kapuluang Marcus[1][3] pati na rin ilan sa mga Kapuluang Bonin (na tinawag niyang Islas del Arzobispo, "Kapuluang Arsobispo") kabilang dito ang Chichijima (na tinawag niyang Farfama[4]) at ang subarkipelago na Kapuluang Volcano[5] (na tinawag niyang Los Volcanes[6]) na kinabibilangan ng isla ng Iwo Jima.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)