Ang Biblioteca Vallicelliana o Aklatang Vallicelliana ay isang silid-aklatan sa Roma, Italya. Ang aklatan ay matatagpuan sa complex ng Oratorio dei Filippini na itinayo ni Francesco Borromini sa Piazza della Chiesa Nuova .
Ang aklatan ay may koleksiyon ng mahigit-kumulang 130,000 manuskrito, incunabula, at mga libro. Sa koleksiyong ito, 3,000 ang tinatayang manuskrito na isinulat sa Latin, Greek, kasama ang Bibliya ni Alcuino mula ika-9 na siglo, leksiyonaryo mula ika-12 siglo, atbp. Ang aklatan ay may koleksiyon ng mga dokumento mula sa Repormang Protestante at Kontra-Reporma.