Binondo

Binondo
Transkripsyong iba
 • Tsino岷倫洛區
Arko ng Pagkakaibigan ng mga Pilipino at Tsino
Arko ng Pagkakaibigan ng mga Pilipino at Tsino
Palayaw: 
Kinaroroonan ng Binondo sa Maynila
Kinaroroonan ng Binondo sa Maynila
BansaPilipinas
RehiyonPambansang Punong Rehiyon
LungsodMaynila
Distritong Pambatasika-3 distrito ng Maynila
Barangays10
Lawak
 • Kabuuan0.66 km2 (0.26 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2020[1])
 • Kabuuan20,491
 • Kapal31,000/km2 (79,000/milya kuwadrado)
Binondo
Tradisyunal na Tsino
Pinapayak na Tsino
Selebrasyon ng bagong taon ng mga Tsino sa Binondo

Ang Binondo (Tsino: 岷倫洛; pinyin: Mínlúnluò; Pe̍h-ōe-jī: Bîn-lûn-lo̍h) ay isang distrito sa Maynila na pangunahing tinitirahan ng mga imigranteng Tsino sa Pilipinas. Umaabot ang impluwensiya nito hanggang sa mga karatig na lugar na Quiapo, Santa Cruz, San Nicolas at Tondo. Ito ang pinakamatandang Baryo Tsino o Chinatown sa buong mundo, na itinatag noong 1594[2][3][4][5] ng mga Kastila bilang pamayanan malapit sa Intramuros na sa kabila lang ng Ilog Pasig para sa mga Katolikong Tsino; nakaposisyon ito upang mabantayan nang mabuti ng administrasyong kolonyal ang kanilang mga migranteng sinakop.[6] Isa na itong sentro ng komersiyo ng mga Tsino bago pa man ang pananakop ng mga Kastila. Sentro ang Binondo ng komersiyo at kalakalan sa Maynila, kung saan umuunlad ang lahat ng uri ng negosyong pinapatakbo ng mga Pilipinong Tsino.

Kabilang sa mga tanyag na residente sina San Lorenzo Ruiz, ang Pilipinong protomartir, at Kagalang-galang na Madre Ignacia del Espiritu Santo, tagapagtatag ng Kongregasyon ng Relihiyoso ng Birheng Maria.

Maraming teorya sa pinagmulan ng pangalang "Binondo", at ng "Tondo", ang karatig distrito nito, ang iniharap.

Iminungkahi ng Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas na si Nick Joaquin na maaaring hango ang mga pangalan sa makalumang pagbaybay ng "binondoc" sa wikang Tagalog (modernong ortograpiya: binundok), na tumutukoy sa dating maburol na lupain ng Binondo.[7][8]

Subalit iminungkahi naman ni Jean-Paul Potet, isang dalubwikang Pranses, na nagmula ito sa tundok", ang dating tawag sa tinduk-tindukan (Aegiceras corniculatum), na may unlaping 'Bi-" sa "Binondo" na nagpapahiwatig ng lokasyon ng Binondo mula sa Tondo.[9]

Mahaba ang naitalang kasaysayan ng Binondo. Dala ito ng lokasyon ng lugar mula sa Manila Bay, Ilog Pasig at Intramuros.

Rito, ang Manila Bay ay nagsisilbing pantalan ng mga galleon at Tsinong bapor, ang Ilog Pasig ang nagiging lagusan tungo sa pampang at taga-dugtong ng mga estero kung saan nabibigyang daan ang madaling palitan ng mga kalakal. At ang Intramuros na nagdadala ng mga residente tungo sa Binondo, na interesado sa samu't saring kalakal ng mga galleon.[10]

Nahahati ang Binondo sa iba't ibang kilalang kalye tulad ng Paseo de Azcarraga (ngayong Recto Avenue)[11], Calle Nueva (ngayong Yuchengco Street), Calle Reyna Cristina (ngayong Reina Regente), Calle Sacristia (ngayong Ongpin Street) at iba pa.[12] [13]

Alcaiceria de San Fernando

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Alcaiceria ay ang kauna-unahang trade hub ng mga Tsino sa Binondo. Ito ay pinatayo noong 1752 sa utos ni Ferdinand VI.[14] Sa kasalukuyan, ito ay matatagpuan sa dating Calle San Fernando (ngayo'y San Fernando Street) sa San Nicolas, Maynila.

Ang disenyo ng gusali ay inihalintulad sa isang bagua, isang simbolong Tsino na sinsabing nagbigay inspirasyon sa arkitekto nito na kinilalang Lucas de Jesús María.[15]

Kinilala bilang Calle de la Escolta o simpleng Escolta, masasabing naging sentro ng kalakalan ng Binondo ang Escolta noong taong 1870s dahil sa pag-akit nito ng dagsaang banyagang interesadong magtayo ng kani-kanilang negosyo o cosmopolitan.

Ang kalye na ito tumatakbo sa gilid ng Ilog Pasig, mula sa Plaza Santa Cruz hanggang sa Plaza Moraga at Kalye ng Quintin Paredes[16].[17]

Ang Escolta patuloy na yumabong hanggang 1960 bago ito napalitan ng Makati bilang sentro ng kalakalan. [18]

Sa kasalukuyan, pinag-iingatan ang kasaysayan ng lugar na ito sa pamamagitan ng Chinatown Museum sa 4th floor ng Lucky Chinatown Mall na ibinukas sa publiko ng taong 2019.[19][20] [21]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Highlights of the National Capital Region (NCR) Population 2020 Census of Population and Housing (2020 CPH)" [Mga Haylayt ng Populasyon ng Pambansang Rehiyong Kapital (NCR) 2020 Senso ng Populasyon at Pabahay (2020 CPH)]. Philippine Statistics Authority (sa wikang Ingles). Nakuha noong 14 Nobyembre 2021.
  2. Geni Raitisoja (Hulyo 8, 2006). "Chinatown Manila: Oldest in the world" [Baryo Tsino ng Maynila: Pinakamatanda sa mundo] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 27, 2012. Nakuha noong Enero 12, 2015.
  3. Wherry, Frederick F. (2015-09-01). The SAGE Encyclopedia of Economics and Society [Ang Ensiklopedyang SAGE ng Ekonomika at Lipunan] (sa wikang Ingles). SAGE Publications, Inc. p. 355. ISBN 9781452226439. Nakuha noong 2020-08-04.
  4. Umali, Justin (2019-02-04). "How Binondo Became the World's Oldest Chinatown" [Kung Paano Naging Pinakamatandang Baryo Tsino ng Mundo ang Binondo]. Esquire (sa wikang Ingles). Summit Media. Nakuha noong 2020-08-04.
  5. Bernard P. Wong; Chee-Beng Tan (2013-03-21). Chinatowns around the World: Gilded Ghetto, Ethnopolis, and Cultural Diaspora [Mga Baryo Tsino sa Buong Mundo: Ginintuang Iskwateran, Etnopolis, at Kultural na Diaspora] (sa wikang Ingles). Brill Publishers. p. 272. ISBN 9789004255906. Nakuha noong 2020-08-04.
  6. Simon Ostheimer (Setyembre 12, 2012). "World's best Chinatowns" [Ang mga pinakamagagandang Baryo Tsino sa mundo] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 2, 2017. Nakuha noong Enero 12, 2015.
  7. Joaqiun, Nick (1990). Manila, My Manila: A History for the Young [Maynila, Aking Maynila: Isang Kasaysayan para sa Mga Kabataan] (sa wikang Ingles). City of Manila: Anvil Publishing, Inc. ISBN 978-9715693134.
  8. Ocampo, Ambeth (2012). Looking Back: Volume 1 [Pagbabalik-tanaw: Bolyum 1] (sa wikang Ingles). Anvil Publishing, Inc. ISBN 9789712736087.
  9. Potet, Jean-Paul G. (2013). Arabic and Persian Loanwords in Tagalog [Mga Arabeng at Persang Salitang-hiram sa Tagalog] (sa wikang Ingles). Lulu.com. p. 444. ISBN 9781291457261.
  10. "Through the Galleries". Chinatown Museum.
  11. de Viana, Augusto (June 24, 2007). "Old Manila streets lose names to politicians". Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong July 17, 2010. Nakuha noong February 4, 2025.
  12. Ocampo, Ambeth (January 24, 2020). "The Binondo of Rizal's 'Noli'". Inquirer.net.
  13. "List of renamed streets in Metro Manila", Wikipedia (sa wikang Ingles), 2025-01-14, nakuha noong 2025-02-04
  14. Quirino, Carlos (2016). Carlos L. Quirino's Old Manila. Manila: Vibal Foundation. pp. 83–87. ISBN 9789719706977.
  15. Quirino, Carlos (2016). Old Manila. Manila: Vibal Foundation. ISBN 9789719706977.
  16. Layug, Benjamin (June 19, 2013). "A walking tour of Escolta". Business Mirror. Inarkibo mula sa orihinal noong October 5, 2013.
  17. "Escolta Street". Google Arts & Culture.
  18. "Calle Escolta". Chinatown Museum.
  19. Rodriguez III, Feliciano (June 26, 2019). "World's Oldest Chinatown gets its own 'Instagrammable Museum'". Chinatown Museum. Nakuha noong February 4, 2025.
  20. Lago, Amanda (June 7, 2019). "IN PHOTOS: The new Chinatown Museum in Binondo". Rappler. Nakuha noong February 4, 2025.
  21. "Chinatown Museum reopens with Digital Manila exhibit". ABS-CBN News. July 19, 2022.