Biritera | |
---|---|
Uri | Drama |
Gumawa | GMA Entertainment TV Group |
Nagsaayos | Agnes Gagelonia - Uligan |
Isinulat ni/nina | Glaiza Ramirez Gilbeys Sardea Michiko Yamamoto |
Direktor | Maryo J. de los Reyes |
Creative director | Jun Lana |
Pinangungunahan ni/nina | Dennis Trillo Glaiza de Castro Angelika dela Cruz Roseanne Magan |
Kompositor ng tema | Nonong Pedero |
Bansang pinagmulan | Pilipinas |
Wika | Filipino |
Paggawa | |
Prodyuser tagapagpaganap | Juel Balbon Nieva M. Sabit |
Prodyuser | Wilma Galvante |
Lokasyon | Maynila, Pilipinas |
Sinematograpiya | Vivencio Gonzales, Jr. |
Ayos ng kamera | Multiple-camera setup |
Oras ng pagpapalabas | 30–45 minuto |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | GMA Network |
Picture format | 480i NTSC |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 6 Pebrero 18 Mayo 2012 | –
Ang Biritera ay isang dramang pantelebisyon na may temang kanatahan. Ito ay mula sa konsepto ni Jun Lana, mula sa ilalim ng panulat ni Agnes Gagelonia-Uligan, nilikha at isinahimpapawid ng GMA Network.
Itinatampok sa seryeng ito sina Angelika dela Cruz, Dennis Trillo, Glaiza de Castro at ang baguhang batang mag-aawit na si Roseanne Magan.
Ang kuwento ng serye ay tumatalakay sa buhay ng isang batang pitong taong gulang na nagngangalang Roseanne at ang kanyang pakikipag sapalaran sa mundo ng showbis at paghahanap sa kanyang tunay na pagkatao.
Ang Biritera ay nasa ilalim ng direksiyon ni Maryo J. delos Reyes. Ito ay nagsimula noong 6 Pebrero 2012, pinalitan ang Munting Heredera at 8 Pebrero 2012 sa buong mundo sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.[1] Ang seryeng ito naman ay nagwakas noong 18 Mayo 2012, at pinalitan naman ng Luna Blanca sa GMA Telebabad.
Nagsimula ang kuwento nang sumakabilang buhay ang nagrereynang biritera na si Louise May (Jillian Ward). Dahil dito, napilitan ang Manager na si Mr. D (Ryan Eigenmann) na maghanap ng kapalit. Nagsagawa siya ng isang programa na naghahanap para sa mga batang may angking talino sa pag-awit. Sumali si Roseanne (Roseanne Magan) sa patimpalak ngunit siya'y hindi nagwagi. Gumuho ang kanyang pangarap na maging isang sikat na mang-aawit pati na ang pangarap niyang maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan.
Si Andrei (Dennis Trillo), ang bokalista ng bandang The Bridge ay nabighani sa angking boses ni Roseanne at agad na nakitaan ng pag-asang sumikat ang bata. "Inaplowd" niya ang bidyo ni Roseanne habang ito'y umaawit sa YouTube. Naging sikat ang bidyo sa mga manonood, na nagdala kay Roseanne sa dagling kasikatan.
Habang tinutupad ni Roseanne ang kanyang pangarap na kasikatan, madidiskubre din niya ang ibang mukha ng mundo na kanyang pinasok, pati na ang misteryo ng kanyang pagkatao.
Ayon sa AGB Nielsen Philippines, ang Biritera ay nakakuha ng kaukulang puntos na 26.7% Household rating mula Pebrero 6 - 10 (unang linggo ng pagpapalabas) kumpara sa katapat nitong palabas sa ABS-CBN na nakakuha lamang ng 19.5% rating. Sa Urban Luzon, kung saan kinakatawan ang 77 porsiyento ng urban television household sa buong bansa, ang Biritera ay nakakuha ng 25.0% puntos kumpara sa katapat nitong palabas sa katapat na himpilan na nakakuha lamang ng 21.2% puntos. Ang serye ay patuloy sa pamamayagpag sa ikatlong linggo nito ng pagpapalabas (Pebrero 20 - 24) nakapagtala ito ng 24.6% puntos sa Mega Manila kumpara sa 20.0% puntos ng katapat na programa.[6][7]
Pinupuri din ang kagalingan sa pag-arte nila Angelika dela Cruz at Dennis Trillo. Si dela cruz ay ngayon na lamang gumanap ng isang api na karakter. Siya kasi ay nalilinya sa mga kontrabidang pagganap, kaya bago ito sa paningin ng mga manonood na makita syang umiiyak at inaapi. Sa kabilang banda, bagong taktika ng pag-arte din ang pinakita ni Trillo sa nabanggit na serye. Kung dati ay nalilinya siya sa mga "barumbadong" pagganap, sa seryeng ito ay gumaganap siyang mabait.[8]
Ang awitin ay may kahulugan na kayang gawin at ibigay lahat ng umaawit para sa kayang pinakamamahal.
Nasa ibaba ang iba pang awitin na ginamit sa serye sa buo nitong pagpapalabas sa telebisyon.
Pamagat | Umawit | Lumikha |
---|---|---|
Ang Lahat ng Ito'y Para Sa 'Yo (main theme) | Roseanne Magan | Nonong Pedero |
Maghintay Ka Lamang | Dennis Trillo and Jillian Ward/Sweet Ramos | Ted Ito |
Listen | Sweet Ramos | Ann Preven, Scott Cutler, Beyoncé Knowles, Henry Krieger |
Firework | Sweet Ramos | Dean Esther, Mikkel Eriksen, Tor Erik Hermansen, Katy Perry, Sandy Julien Wilhelm |
Dadalhin | Roseanne Magan | Tats Faustino |
Hinahanap-Hanap Kita | Dennis Trillo | Rivermaya (Rico Blanco) |
Isang Lahi | Roseanne Magan | Vehnee Saturno |
Shine | Roseanne Magan and Sweet Ramos | Trina Belamide |
Sana | Sweet Ramos | Florante |
Da Coconut Nut | Roseanne Magan, Barbara Miguel and Sweet Ramos | Ryan Cayabyab |
Awit ng Kabataan | The Bridge and Roseanne Magan | Rivermaya (Rico Blanco) |
Bawat Bata | The Bridge and Roseanne Magan | APO Hiking Society |
Iingatan Ka | Roseanne Magan | Nonong Buencamino |
Someday | Dennis Trillo and Glaiza de Castro | Will Jennings, Clint Black |
Wala Na Ba'ng Pag-Ibig | Glaiza de Castro | Vehnee Saturno |
A Dream Is a Wish Your Heart Makes | Roseanne Magan | Mack David, Al Hoffman, Jerry Livingston |
If We Just Hold On | Sweet Ramos | Danny Tan |
Turn the Beat Around | Roseanne Magan | Gerald Jackson, Peter Jackson |
Tears in Heaven | Dennis Trillo, Glaiza de Castro, The Bridge, Sweet Ramos, Barbara Miguel | Eric Clapton, Will Jennings |
Hindi Kita Malilimutan | Glaiza de Castro, Sweet Ramos | Fr. Manoling Francisco SJ |
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)