Brazo de Mercedes

Brazo de Mercedes
KursoPanghimagas
LugarPilipinas
Pangunahing Sangkapitlog, asukal, kremang tartar

Ang Brazo de Mercedes ay isang tradisyunal na Pilipinong balumbon merengge na may lamang kastard na karaniwang inambun-ambon ng pulbos-asukal. Isang uri ito ng pianono.[1]

Kahit na tanyag na isinasalinwika lamang bilang "Braso ni Mercedes", ang tunay na kahulugan nito ay "Braso ng Ina ng Awa" sa Kastila, mula sa Nuestra Señora de las Mercedes, isang karaniwang madasalng pamagat para kay Maria, ina ni Hesus. Nagmumula ang panghimagas sa panahong kolonyal ng Kastila. Ito ay isa sa mga panghimagas na pinaniniwalaang naging bunga ng paggamit ng mga itinapon na mga pula ng itlog mula sa paggamit ng mga puti ng itlog para sa almires at eskayola sa Kastilang arkitekturang kolonyal.[2][3][4]

Hindi katulad sa mga iba pang mga uri ng pianonong Pinoy na gawa sa nalulong chiffon o sponge cake, ang brazo de Mercedes ay gawa mula sa merengge at sa gayon ay hindi gumagamit ng harina. Ang merengge ay gawa sa mga puti ng itlog, kremang tartaro, at binutil na asukal. Karaniwan na ang laman ay na kastard na gawa sa mga apyak, asukal, at gatas na niluto sa mababang init sa isang banyo maria. Maaari ring idagdag sa kastard ang iba pang mga sangkap tulad ng balat ng kalamansi, mantikilya, at katas ng banilya. Kapag nahurno na ang merengge, pantay-pantay na pinapahid ang kastard sa isang kalatagan saka maingat na ginugulong para maging silindro. Kadalasan itong pinapalamig at winiwisik ng pulbos-asukal bago ihain.[5][6][7][8][9]

Maaaring magkaroon ang mga modernong bersyon nitong panghimagas ng iba't ibang iba't ibang mga laman at sangkap. Magkaiba ang mga pangalan nito, tulad ng brazo de ube, brazo de pandan, brazo de buko pandan, brazo de tsokolate, brazo de mangga, at iba pa.[10][11][12][13][14][15]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "The Happy Home Cook: Goldilocks' Brazo de Mercedes". Positively Filipino. Nakuha noong 22 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. DiStefano, Joe. "Brazo de Mercedes is the Perfect Filipino Breakfast Dessert". Chopsticks+Marrow. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Nobiyembre 2022. Nakuha noong 22 April 2019. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  3. Cordero-Fernando, Gilda (25 Disyembre 2016). "Cake walk". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 22 Abril 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "How to Make Brazo De Mercedes". Snapguide. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Oktubre 2019. Nakuha noong 22 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "LOOK: Brazo de Mercedes recipe from the Goldilocks Bakebook". Inquirer.net. Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 22 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Brazo de Mercedes". Kawaling Pinoy. Nakuha noong 22 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Brazo de Mercedes". Panlasang Pinoy. Nakuha noong 22 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Brazo de Mercedes Recipe". Yummy.ph. Nakuha noong 22 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Brazo de Mercedes". Foxy Folksy. Nakuha noong 22 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Variations on the Brazos de Mercedes with Juan Carlo Estagle". Heny Sison Culinary School. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Oktubre 2019. Nakuha noong 22 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Buko Pandan Brazo de Mercedes (Potato/Sweet Potato Filling)". MunchyWhims. Nakuha noong 22 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Brazo de Milana". Kawaling Pinoy Tasty Recipes. Nakuha noong 22 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Brazo de Ube (Cake Roll)". Mama's Guide Recipes. Nakuha noong 22 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Brazo de Mercedes". Ang Sarap. Nakuha noong 22 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Joven, Eduardo. "Sweets for My Sweet: Brazo de Mercedes Recipe". ChoosePhilippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Oktubre 2019. Nakuha noong 22 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)