Casimiro del Rosario

Pambansang Alagad ng Agham ng Pilipinas

Casimiro del Rosario
Kapanganakan13 Hunyo 1896(1896-06-13)
Kamatayan15 Setyembre 1982(1982-09-15) (edad 86)
NasyonalidadPilipino
NagtaposUnibersidad ng Pilipinas, Yale University of Iowa, University of Pennsylvania
ParangalPambansang Alagad ng Agham ng Pilipinas

Si Casimiro Villacin del Rosario (13 Hunyo 1896 – 15 Setyembre 1982) ay kinilala dahil sa kanyang restorasyon ng Obserbatoryo ng Pilipinas na nasira ng digmaan. Kinilala siya dahil sa pamumuno niya sa pagtatag ng iba't ibang obserbatoryo upang mapag-aralan ang pagbabago ng panahon at kalawakan. Siya ay namuno sa pagtulak sa pagtatatag ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham (Philippine Science High School). Binigyan siya ng karangalan tulad ng Top Officer ng World Meterological Organization (WHO) at Pambansang Siyentipiko noong 1982.

Ipinganak siya kina Pantaleon Del Rosario at Venita Villacin ng Bantayan, Cebu noong 13 Hunyo 1896. Likas ang katalinuhan kay Casimiro, apat na taon pa lamang siya nang siya'y siya ay tumungtong sa unang baitang sa elementarya. Labingsiyam naman nang magtapos ng kanyang unang Bachelor of Arts degree mula sa Unibersidad ng Pilipinas taong 1915. Ang pangalawa ay Bachelor of Science in Civil Engineering sa UP taong 1918.

Dalawamputwalo lamang siya sa Unibersidad ng Yale, Estados Unidos, nang makamit niya ang kanyang Master's degree in Physics (1924). Kaya sa gulang na 36 ay natapos agad niya ang Doctorate degree in Physics sa Unibersidad ng Pennsylvania.

Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas ay nagturo siya sa Unibersidad ng Pilipinas at pinamunuan ang Departamento ng Physics, bago naging Direktor ng Philippine Weather Bureau (1945).

Noong Pangalawang Pandaigdigang Digmaan ay malaki ang naitulong ni Casimiro sa mga guerrilla. Sa kanyang pagpapatayo ng tatlong malalaking teleskopyo ay natulungan niya ang mga guerrilla sa kanilang mga taktikang panlaban.

Si Casimiro ang namuno sa panunumbalik ng katayuan ng Obserbatoryo ng Pilipinas -ang mahahalagang kagamitan, instrumento at mga dokumento nito. At siya rin ang nasa likuran ng panunumbalik ng Philippine Astronomical Observatory.

Maibibilang pa rin sa mga karangalan ni Casimiro ang pagkakaroon ng obserbatoryo sa bakuran ng Unibersidad ng Pilipinas, Pamantasang Ateneo de Manila, at ang pagkakatatag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

At higit sa lahat, ang pagkakatatag ng Philippine Science High School na nananatiling may pinakamataas na uri ng aral sa larangan ng siyensiya. Patuloy pa rin itong nagpro-produce ng mga matatalinong inhinyero at siyentipiko ng bansang Pilipinas.