Si Charles-Victor Langlois (May 26, 1863, sa Rouen - June 25, 1929, sa Paris) ay isang Pranses na historyador at paleograpo, na ispesyalista sa pag-aaral ng Edad Medya at nagturo sa Sorbonne.
Nag-aral si Langlois sa École Nationale des Chartes at ginawaran ng pagkadoktor sa kasaysayan noong 1887. Nagturo siya sa Unibersidad ng Douai bago siya lumipat sa Sorbonne. Nagi siyang direktor ng Pambansang Arkibo ng Pransiya mula 1913 hanggang 1929. Ang aklat niyang noong 1897 na Introduction aux études historiques, na isinulat niya kasama si Charles Seignobos, ay kinikilala bilang isa sa mga unang komprehensibong manwal na tumatalakay sa paggamit ng pamamaraang siyentipiko sa pananaliksik ng kasaysayan. (“Seeing history”) Ito ay isinalin ni G.G. Berry sa Ingles noong 1909 at pinamagatang Introduction to the Study of History. (Langlois at Seignobos 1909)