Crazy Beautiful You | |
---|---|
Direktor | Mae Czarina Cruz-Alviar |
Prinodyus | John Leo D. Garcia Carmi Raymundo Malou N. Santos Charo Santos-Concio |
Sumulat | Rory B. Quintos |
Iskrip | Bianca B. Bernardino Maan Dimaculangan Jancy E. Nicolas Carmi Raymundo |
Itinatampok sina | Kathryn Bernardo Daniel Padilla |
Musika | Jesse Lucas |
Sinematograpiya | Moises Lee Dan Villegas |
In-edit ni | Marya Ignacio |
Produksiyon | |
Tagapamahagi | Star Cinema |
Inilabas noong |
|
Bansa | Pilipinas |
Wika |
|
Ang Crazy Beautiful You[1][2] ay isang pelikulang komedya-drama noong 2015. Ang pelikula ay sa direksiyon ni Mae Cruz-Alviar, at pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.[3] Ipinalabas ito sa mga sinehan noong 25 Pebrero 2015 bilang espesyal na bahagi ng Buwan ng mga Puso.
Dahil sa suwail na anak si Jackie (Kathryn Bernardo), ang kanyang ina (Lorna Tolentino) ay nagdesisyon na ipadala siya sa isang misyong medikal sa Tarlac sa pag-asang matututo at magiging matino na siya. Doon, nakilala niya si Kiko (Daniel Padilla), isang masayahing binata na magtitiyak na gagawin at susundin niya ang mga pinagagawang utos at gawain sa kanya. Sa gitna ng misyon, matutuklasan nila ang isang bagay na siguradong nakakababaliw... at maganda.
Ang tema ng kanta ng pelikula ay "Nothing’s Gonna Stop Us Now" na inawit ni Daniel Padilla at tampok si Morissette Amon.[4]
Ang pelikula ay kumita ng ₱5 milyon sa unang oras ng pagbubukas at kumita ng ₱38 milyon sa unang araw nito.[5][6] Ito rin ang may pinakamataas na bilang ng block screenings.
Dahil sa tagumpay na nakamit ng pelikula sa unang araw pa lang, ito ay ipalalabas sa Estados Unidos at Canada noong 6 Marso 2014.[7][8][9]
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)