Danton Remoto

Si Danton R. Remoto, Ph.D. (ipinanganak noong 25 Marso 1963) ay isang Pilipinong manunulat , mamamahayag, editor, tagapamahala, at propesor. Si Remoto ay tumanggap ng unang gantimpala sa ASEAN Letter-Writing Contest for Young People. Ang gantimpalang iyon ang dahilan kung bakit naging iskolar siya sa Ateneo de Manila University sa Pilipinas. Bilang isang propesor, si Remoto ay nagtuturo ng Ingles sa Ateneo de Manila University. Siya ay ang tagapangulong emeritus ng Ang Ladlad, isang lesbian, gay, bisexual, at transgender (LGBT) na pampulitikong partido sa Pilipinas.

Si Remoto ay ipinanganak sa Basa Air Base sa lalawigan ng Pampanga.

Noong 1983, natamo ni Remoto ang kanyang AB sa Interdisciplinary Studies. Noong 1989, habang nasa ilalim ng Robert Southwell scholarship, nakamit niya ang kanyang MA degree sa English Literature. Noong 1990, habang nasa ilalim ng British Council Fellowship, natanggap ni Remoto ang kanyang Master of Philosophy in Publishing Studies mula sa University of Stirling sa Scotland. Noong 2000, si Remoto ay nabigyan ng Fulbright Scholarship para sa Rutgers University sa Estados Unidos. Noong 2003, nakuha ni Remoto ang isang pagsasama mula sa Asian Foundation Scholarship sa Universiti Kebangsaan Malaysia (Pambansang University ng Malaysia). Noong 2004, nakuha naman ni Remoto ang isang pagsasama mula sa Asian Foundation Scholarship sa National University ng Singapore. Noong Marso ng taong 2009, nakuha ni Remoto ang kanyang PhD sa English Studies na major sa Creative Writing mula sa Unibersidad ng Pilipinas.

Mula 1986, si Remoto ay nagtrabaho bilang isang manunulat, reporter, editor, at tagapamahala para sa Philippine Press. Noong 1989, inedit ni Remoto ang likha ni Alfredo Navarro Salanga na Buena Vista, isang koleksiyon ng mga tula at kathambuhay. Sa parehong taon, naging co-editorsi Remoto ng Gems sa Philippine Literature. Noong 1994, siya ay naging Local Fellow for Poetry ng UP Creative Writing Center. Kasama ni J. Neil Garcia, inedit ni Remoto ang mga serye Ladlad ("Out of the Closet"), paghalili ng homoseksuwal na panitikan.

Si Remoto ay tumanggap ng ilang pangkultura at pampanitikan na parangal at pagkilala. Noong 1979, napalanunan niya ang ASEAN na premyo para sa pagsulat ng sanaysay. Noong 1983, siya ay nanalo ng Galian sa Arte at Tula. Noong 1986, napanalunan ni Remoto ang PLAC award para sa tula. Noong 1987, Remoto ay isa sa mga nagwagi ng Palanca Awards para sa pagsulat ng sanaysay. Siya ay tatlong beses ng naging Cultural Center of the Philippines (CCP) awardee para sa tula.Siya ay dalawang beses na tumanggap ng Stirling District Arts Council Award para sa tula at pagsulat ng maikling kuwento noong 1989 at isang beses sa 1990. Noong 1993, Remoto ay nagwagi ng Procyon Prize para sa tula. Tumanggap siya ng Cultural Center Awards para sa pelikula at video para sa screenplay ng dokumentaryong House of the Crescent Moon at para sa film na The Last Parian. Noong 2004, nakakuha ni Remoto ang Philippines Free Press Award para sa pagsusulat ng sanaysay. Noong 2006, siya ay naging isang awardee ng National Commission on Culture and the Arts Award para sa pagsasalin ng mga tula. Noong 2007, si Remoto ay nabigyan ng Philippine Graphic magazine's Nick Joaquin Award para sa pagsulat ng maikling-katha.

  • Skin, Voices, Faces (1991)
  • Black Silk Pajamas / Poems in English and Filipino (1996)
  • Padre Faura Witness the Execution of Rizal
  • Pulotgata; The Love Poems (2004)
  • Seduction and Solitude
  • X-Factor
  • Gaydar
  • Buhay Bading
  • Rampa: Mga Sanaysay

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Danton Remoto, panitikan.com

[baguhin | baguhin ang wikitext]