Didith Reyes | |
---|---|
Kapanganakan | Helen Sta. Maria[1] 17 Setyembre 1949 |
Kamatayan | 12 Oktobre 2008 | (edad 60)
Si Didith Reyes (17 Setyembre 1949 - Disyembre 10, 2008) ay nakilala bilang isang mang-aawit noong 1976 at unang pumaimbulog nang awiting niyang Araw-Araw, Gabi-Gabi, na isinapelikula nila Charito Solis at Chanda Romero.
Bukod dito, isinapelikula rin ni Marianne dela Riva ang isa pa niyang awiting Hindi Kami Damong Ligaw noong 1976. Naging pelikula rin ang kaniyang awiting Bakit Ako Mahihiya? noong 1976, na kinatatanghalan nina Lolita Rodriguez, Eddie Rodriguez at Alma Moreno. Noong 1977, muling isinapelikula ang awitin niyang Nananabik, kung kailan siya na ang gumanap bilang bida sa kauna-unahang pagkakataon, kasama ang mga artistang sina Roel Vergel de Dios, Eddie Gutierrez at iba pa.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.