Diyosesis ng Cubao Dioecesis Cubaoensis | |
---|---|
Kinaroroonan | |
Nasasakupan | Lungsod Quezon |
Lalawigang Eklesyastiko | Arkidiyosesis ng Manila |
Estadistika | |
Populasyon - Kabuuan | 1,142,044 (2006) |
Kabatiran | |
Ritu | Romano |
Katedral | Katedral ng Immaculada Concepcion |
Patron | Immaculada Concepcion |
Kasalukuyang Pamunuan | |
Papa | Francisco |
Obispo | Elias L. Ayuban |
Kalakhang Arsobispo | Jose Cardinal Advincula, D.D. Arsobispo ng Manila |
Website | |
www.dioceseofcubao.org |
Ang Diyosesis ng Cubao (Lat: Dioecesis Cubaoensis) ay isang diyosesis ng Ritong Latin ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas. Itinatag ang diyosesis noong 8 Agosto 2003 sa kapistahan ni San Agustin mula sa Arkidiyosesis ng Manila.
Taong 1595 ang diyosesis ng Manila ay naging arkidiyosesis sa bisa ng kautusan ni Papa Clemente VIII. Makalipas ang maraming taon, noong 1961 ang Arkidiyosesis ang siyang sumasakop sa Manila, Lungsod Quezon, Pasay, Kalookan, at Lalawigan ng Rizal.
Noong mga panahong iyon ang Lungsod Quezon ay mayroong labing-isang mga parokya. Mula 1962 hanggang 1974 pito pang parokya ang nadagdag. 3 Disyembre 1974 hinati ang Lungsod sa apat na bikaryo, ang Sta. Rita, Holy Family, San Jose, at Sto. Niño. Mula 1975 hanggang 1982 dalawampung parokya pa ang nadagdag sa sinasakupan ng Lungsod Quezon.
Sa pagitan ng mga taong 1981 at 1983 nagawa ang bikaryo ng Mabuting Pastol. 24 Marso 1983 nang mahati ang bikaryo ng San Jose at nagawa ang bikaryo ng Ina ng Laging Saklolo. Walo pang mga parokya ang nadagdag mula 1985 hanggang 1986. 10 Agosto 1987 hinati ang distrito ng Lungsod Quezon sa dalawa; ang Lungsod Quezon - Hilaga at Lungsod Quezon - Timog. Binubuo ang una ng mga 4 na mga bikaryo samantalang ang huli ay binubuo ng 4 ring mga bikaryo.
Nahati ang bikaryo ng Ina ng Laging Saklolo sa Ina ng Laging Saklolo 1 at 2 sa pagitan ng mga taong 1987 at 1989. Sa loob lamang ng isang taon noong 1987 hanggang 1988 limang parokya ang naitatag at napasama sa hurisdiksiyon ng Lungsod Quezon.
Mula 1990 hanggang noong taong 2000 sampung mga parokya pa ang naitatag sa Lungsod Quezon. 9 Disyembre pinalitan ang pangalan ng bikaryo ng Ina ng Laging Saklolo 2 ng San Isidro Labrador. Taong 2001 nang maitatag ang Kapelyahan ng St. Jude. 15 Marso 2002 binago ang mga distrito ng Lungsod Quezon Hilaga at Timog at ginawang mga Distrito ng Cubao at Novaliches ayon sa pagkakasunod.
10 Abril naitatag ang Kapelyahan ng Banal na Pamilya mula sa bikaryo ng Sto. Niño. At sa wakas noong 28 Hunyo 2003 naitatag ang Diyosesis ng Cubao. 28 Agosto ng makoniko itong maitatag at maitalaga si Lubhang Kgg. Honesto F. Ongtioco bilang unang Obispo na tumagal ng 21 hanggang 2024. Sa kasalukuyan, ang diyosesis ay nasa pangangalaga ni Obispo Elias L. Ayuban, CMF, na itinalaga noong 3 Disyembre 2024 bilang ikalawang obispo.
BIKARYO NG SAN JOSE
BIKARYO NG SAN PEDRO BAUTISTA
BIKARYO NG SAGRADA FAMILIA
BIKARYO NG STA. RITA DE CASCIA
BIKARYO NG INA NG LAGING SAKLOLO
BIKARYO NG STO. NIÑO