Encantadia | |
---|---|
Uri | Telefantasya: aksyon, pakikipagsapalaran, drama, pantasya, romansa |
Gumawa | Suzette Doctolero |
Bansang pinagmulan | Pilipinas |
Bilang ng kabanata | Unang Aklat: 160 kabanata Pangkalahatan (Aklat 1,2 & 3): 258 kabanata |
Paggawa | |
Oras ng pagpapalabas | 30-45 Minuto |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | GMA Network |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 2 Mayo 9 Disyembre 2005 | –
Website | |
Opisyal |
Ang Encantadia ay isang pantasyang teleserye (telefantasya) na palabas ng GMA Network. Trilohiya ang seryeng ito at sinundan ng Etheria at Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas. Noong 2016, ang Encantadia ay muling ginawa bilang bagong kuwento at ipinalabas muli sa GMA Network.
Ang Kaharian ng Encantadia ay nahahati sa apat na kaharian:
Ang mga taga-Lireo ay tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin. Ito ay itinatag ng unang Reyna ng Lireo na si Cassiopea. Si Cassiopea rin ang tumulong sa pagkawala ng Etheria at kasama sa konseho ng Encantadia. Sa simula ng serye si Mine-a kung saan ay sinundan ng kanyang anak na babae na si Amihan, na kalaunan ay humalili sa kanya bilang bagong Reyna ng mga diwata. Si Pirena ay nagkaroon ng matingding hangarin maagaw ang korona na dapat ay sa kanya, kaya nagtagumpay siya kunin ang brilyante ng apoy sa mga diwata. Doon nagsimula ang unang digmaan sa Lireo.
Ang Sapiro ay makikita sa hilagang bahagi ng Encantadia. Sila ang tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa. Ito ay itinatag ni Haring Meno ng Sapiro. Si Haring Meno ay kasama sa konseho ng Encantadia. Kapatid ni Asval na tumulong kay Ybrahim para malaman ang itinatagong lihim ng kaharian ng Sapiro. Si Ybrahim ang anak ni Armeo, Si Ybrahim na naging sumunod na Hari ng Sapiro, at nagkaroon sila ni Amihan ng anak na nagngangalang Lira. Nagkaroon din sila ng anak ni Alena ang unang niyang minahal. Si Kahlil ang una nilang anak subalit namatay siya pagkat pinaslang ito ng kanyang ashti Danaya at sumunod naman nagkaroon sila ng anak ni Alena at nangangalang si Armea.
Ang Adamya ay matatagpuan sa timog na bahagi ng Encantadia. Ang mga taga-Adamya ang tagapangalaga ng Brilyante ng Tubig. Ang Adamya ay pinamumunuan ni Aegen. Ang mga naninirahan dito ay kilala silang kaliitit at pala-kaibigan.
Sa unang umaga ng pagbagsak ng Etheria, naglaho si Aegen at sa kanyang puwesto ay pumalit ang dalawang magkapatid na nagngangalang Imok at Imaw. Mayroong hawak si Imaw na isang tungkod na nagpapakita ng mga maaring hinaharap o kasalukuyan ng isang magaganap.
Ang Hathorya ay matatagpuan sa silangan na bahagi ng Encantadia. Ang mga Hathor ay ang taga pangalaga ng Brilyante ng Apoy, Ito ay itinatag ni Haring Hagorn, na pinasimunuuan ni Cassiopea sa hangaring gagamitin ito sa kabutihan, Ngunit nanaksil ito sa tatlong Kaharian lalo na't sa Encantaida, sa bandang huli ang mga kalahati ng Hathor ay pumanig sa Etheria at ang kalahati ay pumanig sa Encantadia.