Frontline Pilipinas | |
---|---|
Uri | Pambalitaan Live na telebisyon |
Direktor | Benedict Carlos |
Host | Cheryl Cosim Julius Babao Jiggy Manicad |
Kompositor ng tema | Michael Llave |
Pambungad na tema | Musika ng "Frontline Pilipinas" |
Bansang pinagmulan | Pilipinas |
Wika | Filipino |
Paggawa | |
Prodyuser tagapagpaganap | Ryan Juego |
Lokasyon | TV5 Media Center, Mandaluyong, Pilipinas |
Oras ng pagpapalabas | 60-75 minuto |
Kompanya | News5 |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | TV5 |
Picture format | 1080i (HDTV) |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 5 Oktubre 2020 kasalukuyan | –
Kronolohiya | |
Sumunod sa | Aksyon TEN: The Evening News |
Kaugnay na palabas | One Balita Pilipinas The Big Story |
Website | |
Opisyal |
Ang Frontline Pilipinas ay isang Pilipinong programang pambalitaan ng TV5, ang mga orihinal na tagapagbalita dito ay sina Raffy Tulfo at Cheryl Cosim, nagpasinyaya ang programa noong 5 Oktubre 2020, na sumunod sa Aksyon . Kasabay itong pinapalabas sa One PH, Radyo5 92.3 News FM at minsan sa One News . Sa kasalukuyan, sina Cosim, Julius Babao at Jiggy Manicad ang nagsisilbing pangunahing mga tagapagbalita.[1][2]
Ang programa, kasama ang iba pang mga programa ng News5, ay nagpapatuloy sa tradisyon ng interpretasyon ng sign language na pinasimunuan ng News5 sa paglulunsad ng Aksyon isang dekada na ang nakalilipas.
Nagpasinyaya ang Frontline Pilipinas noong 5 Oktubre 2020, sa ganap na 6:30pm kasama sina Raffy Tulfo at Cheryl Cosim bilang mga orihinal na tagapagbalita, kasama ang hepe ng News5 na si Luchi Cruz-Valdes, pangunahing korespondent na si Ed Lingao, at Lourd de Veyra bilang mga segment anchors para sa Deretsahan, NEWS ExplainED, at Word of the Lourd, ayon sa pagkakabanggit.[3][4] Ang programa ay nagsilbing kapalit sa pinakamatagal na programang pambalitaan ng TV5 na Aksyon, na natapos noong 13 Marso 2020 dahil sa pandemya ng COVID-19 at sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa Luzon,[5][6] Nang sumunod na linggo, ang programa ay lumipat sa oras na 6:00pm para magbigay daan para sa 2020 PBA Philippine Cup at mga bagong programa sa gabi.[7][8]
Noong 15 Pebrero 2021, sumali ang dating atleta at TV host na si Gretchen Ho sa programa bilang Sports segment anchor.[9] Noong 22 Pebrero 2021, pinalawig ang oras ng programa sa 1 oras at 15 minuto bilang bahagi ng mga pagbabago sa programa ng TV5.[10] Noong 5 Abril 2021, lumipat ang programa sa oras na 5:30pm sa mas pinaikling oras para bigyang-daan ang pagbabalik ng programang pang-aliw na Sing Galing!.[11] Noong 16 Hulyo 2021, lalo pang pinaikli sa 30 minuto ang takbo ng programa tuwing Miyerkules at Biyernes upang bigyang-daan ang broadcast ng 2021 PBA season. Noong 20 Setyembre 2021, inilipat muli ang programa sa mas maagang oras mula 5:15 ng hapon hanggang 6:30n.g. tuwing Lunes, Martes, at Huwebes habang ang oras nito sa Miyerkules at Biyernes ay mananatili sa 5:15n.h. hanggang 6:00n.g.. Noong 1 Oktubre 2021, nagpaalam si Raffy Tulfo sa programapara tumakbong senador.[12][13][14] Si Julius Babao ay pinangalanan bilang kanyang kapalit, na sumali sa programa noong 7 Pebrero 2022[12], mula sa naunang petsa na Enero 17, na ipinagpaliban dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 na dala ng variant ng omicron. Opisyal na bilang pangatlong anchor na si Jiggy Manicad noong Enero 8.[13]
Bilang pagpapakita ng pagbabago sa programa, inilunsad muli ang Frontline sa Umaga ng may bagong introduksyon kasama si Gretchen Ho bilang kaisa-isang tagapagbalita nito. Kinagabihan, ipinakita rin ang pagbabago sa grapika at introduksiyon ng Frontline Pilipinas, kasabay ng pagpasok ni Julius Babao bilang kapalit ni Raffy Tulfo.
Ang Frontline sa Umaga ay ang pang-umagang edisyon ng Frontline Pilipinas na sumahimpapawid mula noong 10 Mayo 2021, kasama sina Paolo Bediones at Marga Vargas bilang orihinal nitong tagapagbalita. Sa pag-ere nito sa umaga, sinundan nito ang Aksyon sa Umaga.[21] Umere ang programa sa oras na 6:00 n.u. sa loob ng 30 minuto mula Mayo 10 hanggang 1 Oktubre 2021.[22] Noong 4 Oktubre 2021, lumipat ang programa sa oras na 10:50 a.m. at pinahaba sa 40 minuto, upang pumalit sa Idol in Action; pinalitan ang dating oras ng programa ng Mag-Badyet Tayo! at tatlumpung minutong simulcast ngTed Failon at DJ Chacha sa Radyo5.[23] Noong 24 Disyembre 2021. nilisan ni Vargas sa programa at humalili pansamantala sa kanyang pwesto si Maricel Halili. Noong Enero 17, nilisan na rin ni Bediones ang programa dahil sa mga nakabinbing kaso na isinampa ng mga dating empleyado ng Ei2 Technologies, Inc.[24] Noong 7 Pebrero 2022, pinangalanan na si Gretchen Ho bilang bagong tagapagbalita sa programa.[25]
Frontline sa Umaga | |
---|---|
Uri | Newscast |
Direktor | Benedict Carlos |
Host | Gretchen Ho |
Kompositor ng tema | Michael Llave |
Pambungad na tema | "Frontline sa Umaga" Theme Music |
Bansang pinagmulan | Philippines |
Wika | Filipino |
Paggawa | |
Prodyuser tagapagpaganap | Tony Castelltort |
Lokasyon | TV5 Media Center, Mandaluyong, Philippines |
Ayos ng kamera | Multiple-camera setup |
Oras ng pagpapalabas | 30-40 minutes |
Kompanya | News5 |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | TV5 |
Picture format | 1080i (HDTV) |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 10 Mayo 2021 present | –
Kronolohiya | |
Sumunod sa | Aksyon sa Umaga Good Morning Club Sapul sa Singko |
Frontline Tonight | |
---|---|
Uri | Newscast |
Direktor | Raffy Ramano |
Host | Ed Lingao Mae Anne Los Baños |
Kompositor ng tema | Michael Llave |
Pambungad na tema | "Frontline Tonight" Theme Music |
Bansang pinagmulan | Philippines |
Wika | Filipino |
Paggawa | |
Prodyuser tagapagpaganap | Tony Castelltort |
Lokasyon | TV5 Media Center, Mandaluyong, Philippines |
Ayos ng kamera | Multiple-camera setup |
Oras ng pagpapalabas | 30 minutes |
Kompanya | News5 |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | TV5 |
Picture format | 1080i (HDTV) |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 27 Setyembre 2021 present | –
Kronolohiya | |
Sumunod sa | Aksyon Tonite Pilipinas News Aksyon JournalisMO |
Ang Frontline Tonight, ay isang edisyong panggabi ng Frontline Pilipinas na sumahimpapawid mula 27 Setyembre 2021. sa TodoMax Primetime Singko ng himpilan. Ito ay pinepresenta nina Ed Lingao at Mae Ann Los Baños. Ito ang unang programang pambalitaan ng TV5 sa late-night mula ng matapos ang Aksyon Tonite noong 2019.
News5 Alerts | |
---|---|
Uri | News bulletin |
Kompositor ng tema | Michael Llave |
Pambungad na tema | "News5 Alerts" theme music |
Bansang pinagmulan | Philippines |
Wika | Filipino |
Paggawa | |
Lokasyon | TV5 Media Center, Mandaluyong, Philippines |
Ayos ng kamera | Multiple-camera setup |
Oras ng pagpapalabas | 1–2 minutes |
Kompanya | News5 |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | TV5 |
Picture format | 1080i (HDTV) |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 5 Oktubre 2020 present | –
Kronolohiya | |
Kaugnay na palabas | One Balita Ngayon One News Now |
Website | |
Opisyal |
Ang News5 Alerts ay isang oras-oras na ulat sa TV5 na nagsimula noong 5 Oktubre 2020, na pumalit sa Aksyon Alerts.[32]
Taon | Mga parangal | Kategorya | Nominado | Sang. |
---|---|---|---|---|
2020 | Guild of Educators, Mentors, and Students (GEMS) Hiyas ng Sining Awards | Pinakamahusay na Programa sa Balita | Frontline Pilipinas | |
Pinakamahusay na Lalakeng Newscaster | Raffy Tulfo | |||
Pinakamahusay na Babaeng Newscaster | Cheryl Cosim |
{{cite web}}
: CS1 maint: url-status (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: url-status (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: url-status (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: url-status (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: url-status (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: url-status (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: url-status (link)