Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (Pebrero 2010)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Hajji Alejandro | |
---|---|
Kabatiran | |
Kapanganakan | 26 Disyembre 1954 |
Pinagmulan | Pilipinas |
Genre | Musikang popular |
Trabaho | Mang-aawit, aktor |
Instrumento | Pag-aawit |
Si Angelito Toledo Alejandro, (Ipinanganak noong 26 Disyembre 1954, isang araw pagkatapos ang Pasko) na kilala bilang Hajji Alejandro, ay isang Pilipinong mang-aawit na tinaguriang Kilabot Ng Mga Kolehiyala.
Nagsimula si Alejandro ang karerang pampropesyon sa pag-aawit noong 1973 bilang bahagi ng Bandang Circus. Pagkalipas ng tatlong taon, nagkaroon siya ng karerang pang-isahan, nakapagrekord nang panimula ng dalawang ginintuang tagumpay na Tag-Araw, Tag-ulan. Isang bagting ng iba pang tagumpay, tulad ng Kay Ganda Ng Ating Ating Musika kung saan nanalo rin siya sa Paligsahan ng mga Musikang Popular ng Kalakhang Maynila noong 1978, Ang Lahat Ng Ito’y Para Sa Iyo, at Nakapagtataka na kasunod inawit muli ng kanyang anak na si Rachel Alejandro. Noong 1992, nakatanggap siya ng Gawad Awit para sa Pinakamahusay na Awiting Pampasko na Inaanak. Sa kasalukuyan, siya ay nagtatanghal ng mga pagbubuhay muli ng mga awitin ng kanyang kapanahunan kasama ang mga iba pang tanyag na mang-aawit na Rico J. Puno at Rey Valera.