Hangganan (matematika)

Sa matematika at lohika, masasabing may hangganan (Ingles: finitary) ang isang operasyon kung may hangganan ang aridad nito, o sa madaling salita, may hangganan ang ipinapasok na halaga. Sa kaparehong dahilan, ang isang operasyong walang hangganan (Ingles: infinitary) ay ang operasyon na kayang magpasok ng walang hanggang bilang ng mga halaga.

Sa normal na matematika, may hangganan ang isang operasyon base na rin sa kahulugan nito. Kaya naman, ginagamit lamang ang mga terminong ito sa konteksto ng lohikang walang hangganan.

Argumentong may hangganan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang argumentong may hangganan ay ang argumentong maaaring mailagay sa isang may hangganang[a] pangkat ng mga simbolikong proposisyon simula sa isang may hangganang pangkat ng mga batlain (axiom). Sa madaling salita, isa itong patunay (kabilang na ang lahat ng mga pagpapalagay) na maaaring maisulat sa isang may kalakihang piraso ng papel.

Kasalungat naman nito, pinag-aaralan ng lohikang walang hangganan ang mga lohikang pwede ang mga walang-hanggang mahahabang pahayag at patunay. Sa ganong lohika, maaaring sabihin na nagmula ang, halimbawa, umiiral na kwantipikador mula sa isang walang-hanggang paghihiwalay.

  1. Ang bilang ng mga batlaing sinangguni sa argumento ay dapat magiging may hangganan dahil ang patunay ay may hangganan, pero ang bilang ng mga batlain kung saan ang mga ito ay pinili ay walang hangganan kapag ang sistema ay may mga iskemang pangbatlain, tulad ng mga iskemang pangbatlain ng kalkulong proposisyonal.

Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matematika Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.