Himno ng Bangsamoro

 

Himno ng Bangsamoro

Regional Himno ng  Bangsamoro
IlinathalaEnero 30, 2020
GinamitPebrero 13, 2020

Ang Himno ng Bangsamoro ay ang pangrehiyong himno ng Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao na isang rehiyong maaaring gumabay sa sarili sa katimugang Pilipinas .

Sa ilalim ng Batayang Batas para sa Bangsamoro , ang karta ng Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao (Ingles: Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao; BARMM) na pumapalit sa dating Rehiyong Awtonomo ng Muslim Mindanao (Ingles: Autonomous Region in Muslim Mindanao; ARMM) ay may karapatang magkaroon ng sariling panrehiyong himno . Bago ang pagpapatibay ng Batayang Batas para sa Bangsamoro, ang Bangsamoro na mayroon nang sariling panrehiyong himno ay pinagdedebatihan. Ang Kinatawan ng Buhay Partylist na si Lito Atienza ay nagsasabi na ang isang hiwalay na "awit" para sa rehiyon ng Bangsamoro ay hindi naghihikayat sa pambansang pagkakaisa at kung ang awit ay katulad ng mga himno na ginagamit ng ibang mga yunit ng pamahalaang lokal, iginiit niya ang pagmungkahi ng isang batas na malinaw na nagsasaad ng "himno" sa halip na "awit. ".

Noong Pebrero 2019, ang Bangsamoro Transition Authority ay naglunsad ng kumpetisyon para sa pagbuo ng isang bagong himno para sa Bangsamoro, kasama rin sa kumpetisyon ang disenyo para sa isang bagong watawat at selyo ng rehiyon.

Ang isang iminungkahing batas na nagpapatibay sa isang opisyal na panrehiyong himno para sa Bangsamoro na inihain sa harap ng Parlamento ng Bangsamoro ay ang Batas sa Parlyamento Blg. 2 na kilala rin bilang "Isang Batas na Nagpapatibay sa Opisyal na Himno ng Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao" ; (Ingles:"An Act Adopting the Official Hymn of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)". Pagsapit ng Agosto 29, 2019, ang panukala ay nasa ikalawang pagbasa na. Tatlong bersyon ng himno sa wikang Ingles, Filipino at Maguindanaon ay iminungkahi ayon sa miyembro ng parlyamento na si Romeo Sema, isang tagapagtaguyod ng panukala. Ang kasamahan ni Sema ay nagmungkahi ng mga pagbabago sa panukalang batas tulad ng pagdaragdag ng isang itinalagang bahagi ng himno na aawitin ng isang babae para sa balanse ng kasarian at pagdaragdag ng mga karagdagang bersyon ng himno sa bawat wikang panrehiyon ng Bangsamoro.

Inaprubahan ng Parlyamento ng Bangsamoro ang iminungkahing bersyon ng Himno ng Bangsamoro sa ilalim ng Cabinet Bill No. 39 noong Enero 30, 2020. Ang panukalang batas ay nilagdaan bilang batas noong Pebrero 13, 2020 ng Punong Ministro na si Murad Ebrahim bilang Bangsamoro Autonomy Act No. 7 .

Filipino Di-opisyal napagkasulat sa Jawi ng Filipinong Titik Di-opisyal na Salin sa Ingles Di-opisyal na Salin sa Arabe

I
Simula noon hanggang ngayon
Iisa ang naging layon
Magkaisa at magbuklod
Kagitingan ay marubdob

Tumayo tayo mula sa hamon ng nakaraan
Niyapos ang panganib na humahadlang
Pinangako sa puso at paniniwala
Ang ginhawang para sa kabataan

Chorus:
Bangsamoro'y tagumpay
Bunga ng pawis, dugo at buhay
Kapayapaan, Katarungan
Ay atin nang nakamtan

Alhamdulillah, Alhamdulillah
Pagpalain Bangsamoro

II
Bangsamoro, Bangsamoro,
Lagi kang mamahalin
Walang pipigil sa damdamin
Mga pangako'y tutuparin

Habang buhay kami sayo'y magbabantay
Mananatili sa puso't isipan
Ang kahapong humimlay na nagbuwis ng buhay
Nasa piling na ng Maykapal

Chorus:
Bangsamoro'y tagumpay
Bunga ng pawis, dugo at buhay
Kapayapaan, Katarungan
Ay atin nang nakamtan

Alhamdulillah, Alhamdulillah
Pagpalain Bangsamoro

١
سِمُاَء نُءوُنْ هَڠْگَڠْ ڠَيُنْ
ئِئِسَ اڠْ نَگِڠْ لَيُنْ
مْگْكَءئِسَ اَتْ مَگْبُكْلُدْ
كَگِتِڠَنْ اَيْ مَرُبْدُبْ

تُمَتَيُء تَيُ مُلَ سَ هَمُنْ نَڠْ نَكَرَءاَنْ
نِيَڤُسْ اَڠْ ڤَڠَنِبْ نَ هُمَهَدْلَڠْ
ڤِنَڠَكُء سَ ڤُسُء اتْ ڤَنِنِوَلَء
اڠْ گِنْهَوَڠْ ڤَرَ سَ كَبَتَءانْ

كُرُ:
بَڠْسَمُرُيْ تَگُمْڤَيْ
بُڠَ نَڠْ ڤَوِسْ، دُگُء اتْ بُهَيْ
كَڤَيَڤَءانْ، كَتَرُڠَنْ
ايْ اتِنْ نَڠْ نَكَمْتَنْ

ٱلْحَمْدُ لِلَّٰهِ، ٱلْحَمْدُ لِلَّٰهِ
ڤَگْڤَلَءينْ اَڠْ بَڠْسَمُرُ

٢
بَڠْسَمُرُ، بَڠْسَمُرُ
لَگِ كَڠْ مَمَهَلِنْ
وَلَڠْ ڤِڤِگِلْ سَ دَمْدَمِنْ
مَڠَ ڤَڠَكُيْ تُتُڤَرِنْ

هَبَڠْ بُهَيْ كَمِ سَيُيْ مَگْبَبَنْتَيْ
مَنَنَتِلِء سَ ڤُسُتْ ئِسِڤَنْ
اڠْ كَهَڤُڠْ هُمِوَلَيْ نَ نَگْبُوِسْ نَڠْ بُهَيْ
نَسَ ڤِلِڠْ نَڠْ مَيْكَڤَلْ

كُرُ:
بَڠْسَمُرُيْ تَگُمْڤَيْ
بُڠَ نَڠْ ڤَوِسْ، دُگُء اتْ بُهَيْ
كَڤَيَڤَءانْ، كَتَرُڠَنْ
ايْ اتِنْ نَڠْ نَكَمْتَنْ

ٱلْحَمْدُ لِلَّٰهِ، ٱلْحَمْدُ لِلَّٰهِ
ڤَگْڤَلَءينْ اَڠْ بَڠْسَمُرُ

I
From then until now
The goal was one
To unite and to unify
Courage is ardent

Let us rise from the challenge of the past
Embrace the hindering danger
Promised in heart and belief
The comfort for the youth

Chorus:
Bangsamoro is triumph
Fruit of sweat, blood, and life
Peace, Justice
Is ours already earned

Praise be to Allah (God), Praise be to Allah (God)
Bless Bangsamoro

II
Bangsamoro, Bangsamoro
You will always be loved
No one will stop the feeling
Promises will be fulfilled

As long as we live we will watch over you
Remains in your heart and mind
The ones rested who had laid their lives
Are now with God

Chorus:
Bangsamoro is triumph
Fruit of sweat, blood, and life
Peace, Justice
Is ours already earned

Praise be to Allah (God), Praise be to Allah (God)
Bless Bangsamoro

١
من ذلك الحين وحتى الآن
كان الهدف واحدًا
اتحدوا واتحدوا
الشجاعة شديدة

دعونا نرتفع من تحدي الماضي
انتهى خطر العرقلة
موعودة بالقلب والإيمان
راحة الشباب

كورال:
نجاح بانجسامورو
ثمار العرق والدم والحياة
السلام ، العدل
انها لنا بالفعل

الحمد لله والحمد لله
يبارك بانجسامورو

٢
بانجسامورو ، بانجسامورو
سوف تكون دائما محبوبا
لا يوجد شيء للسيطرة على العواطف
الوعود تبقي

ما دمنا نعيش سوف نراقبك
يبقى في قلبك وعقلك
هدأت الشهية
فرض الضرائب على الحياة


كورال:
نجاح بانجسامورو
ثمار العرق والدم والحياة
السلام ، العدل
انها لنا بالفعل

الحمد لله والحمد لله
يبارك بانجسامورو

[kailangan ng sanggunian]

Ang himno ay dapat awitin sa mga seremonya ng pagtaas ng watawat ng Bangsamoro . Ang pag-awit ng himno ng Bangsamoro ay ipinag-uutos ng batas, partikular na ang Batayang Batas para sa Bangsamoro, na mauna bago ang pambansang awit ng Pilipinas . Pinahihintulutan din ng Bangsamoro Autonomy Act No. 7 na ang bersyon ng himno sa Arabe, Filipino o anumang iba pang mga katutubong wika ng Bangsamoro ay opisyal na gamitin sa pag--apruba ng Punong Ministro.

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]