![]() | |
Kategorya | Serif |
---|---|
Klasipikasyon | Display |
Mga nagdisenyo | Ed Benguiat |
Foundry | International Typeface Corporation |
Petsa ng pagkalikha | 1977[1][2] |
Ang ITC Benguiat ay isang palamuting serif na pamilya ng tipo ng titik na dinisenyo ni Ed Benguiat at nilabas ng International Typeface Corporation (ITC) noong 1977. Maluwag na batay ang tipo sa mga pamilya ng tipo ng titik noong panahon ng Art Nouveau subalit hindi ito tinuturing na isang muling pagbabalik na akademiko.
Naglalaman ang orihinal na bersyon noong 1977 ng maraming di-pamantayang mga ligadura (tulad ng AB, AE, AH, AK, AR, LA, SS, TT) at alternatibong mga hugis para sa ilang mga titik na hindi isinama sa bersyong digital.[3]