Jose Calida | |
---|---|
Taga-usig Panlahat ng Pilipinas | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan 30 Hunyo 2016 | |
Pangulo | Rodrigo Duterte |
Nakaraang sinundan | Florin Hilbay |
Direktor Tagapagpaganap ng Lupon sa Mapanganib na Droga | |
Nasa puwesto 21 Enero 2004 – 31 Oktubre 2004 | |
Pangulo | Gloria Macapagal Arroyo |
Nakaraang sinundan | Efren Q. Fernandez |
Sinundan ni | Edgar C. Galvante |
Katuwang na Kalihim ng Kagawaran ng Katarungan | |
Nasa puwesto 12 Marso 2001 – 20 Enero 2004 | |
Pangulo | Gloria Macapagal Arroyo |
Personal na detalye | |
Isinilang | Jose Callangan Calida 7 Hulyo 1950 Nuevo Iloco, Dabaw, Pilipinas |
Kabansaan | Pilipino |
Partidong pampolitika | Citizens' Battle Against Corruption |
Asawa | Milagros Parantar Ordaneza |
Edukasyon | Pamantasang Ateneo de Davao (BA) Pamantasang Ateneo de Manila (LL.B.) |
Trabaho | negosyante |
Propesyon | Manananggol |
Si Jose Callangan Calida (ipinanganak noong 7 Hulyo 1950)[1] ay isang Pilipinong abogado na kasalukuyang nagsisilbing Taga-usig Panlahat ng Pilipinas. Nanumpa siya sa panunungkulan noong 30 Hunyo 2016 bilang kapalit ni Florin Hilbay. Dati siyang nagsilbi sa administrasyong Arroyo bilang Katuwang na Kalihim (Undersecretary) ng Kagawaran ng Katarungan at Direktor Tagapagpaganap ng Lupon sa Mapanganib na Droga.[2][3]
Ipinanganak si Calida sa Nuevo Iloco, Lalawigan ng Dabaw, na sa ngayon ay ang bayan ng Mawab, Davao de Oro.[4][5] [6] Isang Kristiyanong Protestanteng muling isinilang (born-again), nagpakasal siya kay Milagros Parantar Ordaneza na taga-Dabaw din, at kung saan mayroon silang tatlong anak.[1][3]
May hawak na batsilyer sa Ingles si Calida mula sa Pamantasang Ateneo de Davao na iginawad noong 1969. Nag-aral siya ng batas sa Paaralan ng Batas ng Pamantasang Ateneo de Manila kung saan naitala siya sa tala ng dekano. Nagsitapos siya noong 1973 at tinanggap sa abogasya sa susunod na taon na may pangkalahatang promedyo na 83.25 porsiyento (na may pinakamataas na marka sa Batas Kriminal na 100 porsiyento, at 90 porsiyento naman sa Batas Sibil at Palabuwisan) sa Pagsusulit sa Abogasya ng Pilipinas noong 1974.[3][1]
Si Calida ay isang miyembro ng kapatirang Aquila Legis.
Si Calida ay isang nanunungkulang manananggol at tagapagtatag ng tanggapang pang-abogasya na J. Calida & Associates na nakahimpil sa Davao del Sur. Nagsilbi siya bilang kalihim-heneral ng Volunteers Against Crime and Corruption noong administrasyon ni Pangulong Fidel Ramos, at nagsilbi siya ring tagapagtanghal ng God's People's Coalition for Righteousness na nagsagawa ng mga protesta at raling padasal (prayer rally) laban sa paglaganap ng pornograpiya noong dekada 1990. Noong 1997, pinamunuan niya ang grupong Support the Initiatives for the Good of the Nation (SIGN), na nagtulak para sa pagsusog ng Saligang Batas sa pamamagitan ng inisyatibang popular, at tinulungan rin niya ang kilusang Pirma na kum uha ng mga lagda upang pahintulutan si Pangulong Ramos na tumakbo muli sa pamamagitan ng isang plebisito.[1][3] Itinatag din niya ang party list na Citizens' Battle Against Corruption at nagsilbing pangulo nito noong 1997.
Isa si Calida sa mga taga-usig noong impeachment at paglilitis kay Pangulong Joseph Estrada noong 2000. Kasunod ng Ikalawang Rebolusyon sa EDSA, hinirang siya ng bagong-luklok na Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang Katuwang na Kalihim (Undersecretary) ng Kagawaran ng Katarungan (DOJ) sa ilalim ni Kalihim Hernando B. Perez noong 2001, Merceditas Gutierrez noong 2002, at Simeon Datumanong noong 2003. Bilang Katuwang na Kalihim ng Katarungan, namahala siya sa Pambansang Kawanihan sa Pagsisiyasat (NBI), ang Tanggapan ng Abogadong Pangkorporasyon ng Pamahalaan, ang Puwersang Gampanin (task force) ng DOJ sa Korupsiyon at Tanggulang Panloob, at ang Puwersang Gampanin sa Estapa at Paglilinis ng Pera. Noong 2004, inako niya ang pamumuno ng Lupon sa Mapanganib na Droga bilang Direktor Tagapagpaganap nito.[3]
Bumalik si Calida sa pribadong abogasya at negosyo matapos ng kaniyang panunungkulan sa pamahalaan noong Oktubre 2004. Naging pangulo at tagapangulo siya ng Vigilant Investigative and Security Agency, na nanalo ng kontrata sa Philippine Amusement and Gaming Corporation noong 2010. Nagsilbi rin siyang mataas na pangalawang pangulo ng paseguruhang Prudential Guarantee at Assurance, Inc. Inendorso si Calida ni noong-Pangalawang Alkalde Rodrigo Duterte ng Lungsod ng Dabaw bilang kandidato para sa pagka-Tanodbayan noong 2011. Bago siya bumalik sa panunungkulan sa pamahalaan bilang Taga-usig Panlahat, isa rin siya sa mga tagapamahala ng kampanyang pampanguluhan ni Duterte noong panahon ng halalang pampanguluhan ng 2016.[3][1][2]
Nahaharap sa kasong kriminal at administratibo si Calida sa Tanggapan ng Tanodbayan.[7][8] Ayon sa isa sa mga kaso, diumano’y nilabag ni Calida ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees dahil sa kaniyang 'di-pagkait ng kaniyang hati sa tanggapang panseguridad na pagmamay-ari ng kaniyang pamilya, na tumanggap ng mga kontratang may halagang ₱261.39 milyon mula sa Kagawaran ng Katarungan at ibang ahensiya ng pamahalaan.[9][10][11] Itinanggi ni Calida ang anumang alitan ng interes at sinabing hindi siya nananagot sa ilalim ng Code of Conduct for Public Officials o ang batas laban sa pandarambong.[9]
{{cite web}}
: Check date values in: |archive-date=
(tulong)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga tungkuling pampolitika | ||
---|---|---|
Sinundan: Efren Q. Fernandez |
Direktor Tagapagpaganap ng Lupon sa Mapanganib na Droga 21 Enero 2004–31 Oktubre 2004 |
Susunod: Edgar C. Galvante |
Sinundan: Florin Hilbay |
Taga-usig Panlahat ng Pilipinas 2016–kasalukuyan |
Kasalukuyan |
Orden ng prelasyon | ||
Sinundan: Harry Roque bilang Tagapagsalita ng Pangulo |
Orden ng Prelasyon ng Pilipinas bilang Taga-usig Panlahat ng Pilipinas |
Susunod: Salvador Panelo bilang Punong Abogadong Pampanguluhan |