Joseph Cua | |
---|---|
Gobernador ng Catanduanes | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan Hunyo 30, 2016 | |
Bise Gobernador | Shirley Abundo |
Nakaraang sinundan | Araceli Wong |
Nasa puwesto June 30, 2007 – June 30, 2013 | |
Nakaraang sinundan | Leandro Verceles Jr. |
Sinundan ni | Araceli Wong |
Personal na detalye | |
Isinilang | Calolbon, Catanduanes, Philippines | 16 Oktubre 1962
Kabansaan | Pilipinas |
Partidong pampolitika | Nationalist People's Coalition |
Ibang ugnayang pampolitika | United Nationalist Alliance |
Si Joseph Chua Cua (ipinanganak noong Oktubre 16, 1962) ay isang Pilipinong politiko mula sa lalawigan ng Catanduanes, Pilipinas. Siya ay kasalukuyang naglilingkod bilang Gobernador ng Catanduanes. Una siyang nahalal bilang gobernador ng lalawigan noong 2007 at muli siyang nahalal noong 2010, 2016, at 2019 na halalan.[1]
Noong 2019, sinuspinde si Cua ng Office of the Ombudsman for Luzon. Ito ay dahil sa kanyang "abuse of authority" at "grave misconduct in public service" sa kanyang termino bilang gobernador. Ito ay higit na ipinatupad ng Department of the Interior and Local Government (DILG).[2] Matapos ang pagsuspinde, inatasan ni DILG Bicol director Anthony Nyuda si Bise Gobernador Shirley Abundo na umupo sa tungkulin bilang gumaganap na gobernador.[3]
Noong Abril 30, 2020, muli siyang nanunungkulan bilang gobernador pagkatapos ng kanyang 365-araw na suspensiyon mula Mayo 1, 2019 hanggang Abril 29, 2020. Ayon kay Nyuda, ito ay alinsunod sa artikulo 13 ng Civil Code ng Pilipinas.[4]