Kailangang isapanahon ang artikulong ito. |
KJC King Dome | |
---|---|
Lokasyon | Davao City, Philippines |
Coordinates | 7°8′5″N 125°38′50″E / 7.13472°N 125.64722°E |
Broke ground | 3 Setyembre 2012 |
Binuksan | 2022 |
May-ari | Kingdom of Jesus Christ (KJC) |
Scoreboard | Yes |
Halaga ng pagkatayo | ₱6.025 billion |
Nangasiwa ng proyekto | ACQ Solomonic Builders Development Corporation |
Kapasidad | 70,000 |
Acreage | 40,000 hanggang 50,000 m2 (430,000 hanggang 540,000 pi kuw) |
Ang KJC King Dome, ay isang multipurpose indoor arena na sinumulan ipatayo noong Septembre 3, 2012 sa Lungsod Davao.
<maplink>: Couldn't parse JSON: Syntax error |
Ang pagpapatayo ng KJC King Dome ay pinanagasiwa ng ACQ Solomonic Builders Development Corporation, isang subsidiary ng Kingdom of Jesus Christ (KJC), isang simbahang Kristiyano.[1] Ang seremonya para sa groundbreaking ng pasilidad na ipinapatayo sa katabi ng Paliparang Pandaigdig ng Francisco Bangoy.[2] ay isinigawa noong Septembre 3, 2012[3] at inaasahang matapos pagdating 2022[1]
Noong Enero 2018, pormal na nakipasok ang Dafeng, isang isang kumpanyang Tsino, sa isang kasunduan sa KJC. Ang proyekto ay isinima sa One Belt One Road Initiative ng Ministro ng Kultura ng Tsina.[4]
Unang planong gawing katedral lamang para sa Kingdom of Jesus Christ (KJC) ni Pastor Apollo Quiboloy, ang KJC King Dome ay balak din gamitin para sa ibang kaganapan tulad ng mga concert at mga labanan sa boksing and basketbol.[2][5]Magkakaroon din ang King Dome ng isang de-kahon na scoreboard.[6]
Ang King Dome ay magiging bahagi ng isang mas malaking mixed-used development na magkakahalaga ng ₱7.981 bilyon. Ito ay magkakaroon ng isang condominium hotel, isang otel at museo, isang hangar, isang water park, isang otel at sentrong pangkomersyo, at isang complex na pang-administratibo.[1]
Ang King Dome mismo ay tinatayang nagkakahalagang ₱6.025 billion[1].Ito ay magkakaroon ng kapasidad na 70,000[7], mas malaki sa Philippine Arena na may kapasidad na 55,000[1] at ito ay magiging pinakamalaking indoor arena sa daigdig kapag ito ay natapos. Dati ibinalak na 50,000 lamang ang kapasidad ng King Dome.[2]
Australyano ang arkitekto ng KJC King Dome. Kinumpara ito sa Staples Center ng pinuno ng KJC na si Apollo Quiboloy dahil ginawang sa ilalim ng lupa ang isang palapag ng King Dome dahil sa lapit nito sa paliparan ng Lungsod Davao. Ang floor area ng King Dome ay tinatayang 40,000 hanggang 50,000 square meter (430,000 hanggang 540,000 pi kuw). Ito rin ang magkakaroon ng mga 38 elevator at sistema para sa airconditioning. Iminungkahi ng mga Australyano ang isang bubong na naisasara at naibubukas para sa King Dome ngunit ang mungkahi ay hindi inapruba ng KJC.[6]
Ang Dafeng ay ang mangagasiwa sa ilaw, mga upuan, curtain wall, at makinaryang pangtanghalan ng indoor arena. Ang KJC Kingdome ay magkakaroon ng dobleng kurbadong curtain wall na gawa sa salamin, isan sistemang cellular panel na gawa sa aluminyo, at flood lighting. Ang panlabas na itsura ng King Dome ay magiging magkasingtulad sa isang korona.[4]
{{cite web}}
: CS1 maint: unrecognized language (link)
One of KJC's biggest projects is the King Dome – a multi-purpose coliseum set in a 26-hectare area near the Davao International Airport that is envisioned to be the biggest in Davao with a capacity of 70,000.