Ang kanin at patani ay isang popular na pagkain sa buong Amerikang Latino at Turkiya.
Madalas binubuo ang pagkaing ito ng kanin na sinamahan ng mga kayumanggi, pula, o itim na patani (madalas ang Phaseolus vulgaris o Vigna unguiculata) at pinapalasahan sa iba't ibang pamamaraan. Ang bawat rehyon ay may sari-sariling pagtatangi. Sa Brasil, halimbawa, mas popular ang mga itim na patani sa Rio de Janeiro, Rio Grande do Sul, at Santa Catarina, habang ginagamit lang ito sa mga feijoada sa mga ibang bahagi ng bansa. Ang pinagdalubhasaan ng Bagong Orléans na red beans and rice ay madalas sinasamahan sa gilid ng tinapang longganisa o pinritong pork chop. Sa Turkiya, Dry beans and Rice ay Pangunahin na Sinasamahan sa Lamb Shank.
Sa maraming pook, ang kanin at patani ay madalas ihinahanda nang magkatabi sa halip na pinag-iisang-halo. Kahit ano pa man, itinuturing silang ulam o side dish upang samahan ang isang ulam ng karne o manok. Ipinapatong minsan ang karne o iba pang mga sangkap sa kanin at patani o kaya (di-gaano kadalas) pinag-iisang halo.[1]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.