Katolikong Unibersidad ng Andrés Bello

Ang Katolikong Unibersidad ng Andrés Bello na kilala rin sa Español bilang Universidad Católica Andrés Bello ay isang pribadong unibersidad sa Venezuela. Isa sa pinakamalaking unibersidad sa Venezuela, ang UCAB ay may mga kampus sa ilang lungsod, tulad ng sa Caracas (kung saan matatagpuan ang pangunahing kampus), Los Teques, Guayana, at Coro.

Pinangalanan para sa Venezolanong manunulat na si Andrés Bello, ang UCAB ay itinatag noong Oktubre 1953 ng Kapisanan ni Hesus (Episcopado Venezolano a la Compañía de Jesús). Noong 2017 ito ay niraranggo bilang ika-apat na pinakamahusay at nangungunang pribadong unibersidad sa Venezuela.[1]

Mga kilalang alumni

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kabilang sa mga kilalang nagtapos nito ay sina: José Antonio Abreu (konduktor ng orkestra, ekonomista, aktibistang politikal), Milos Alcalay (diplomatiko ng Venezuela), Nery Santos Gómez (may-akda), Édgar Ramírez (mamamahayag at aktor), María Corina Machado, (miyembro ng Asamblea, tagapagtatag ng Súmate), at Henrique Capriles (abogado at gobernador).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Top Universities in Venezuela | 2017 Venezuelan University Ranking". www.4icu.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-09-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]