Ang Kattenstoet (lit. "Pista ng mga pusa ") ay isang parada sa Ypres, Belgium na nakalaan para sa mga pusa. Ito ay idinadaos tuwing ikalawang kunggo ng Mayo mula 1955.[1] [2] Ang paradang ito ay gumgunita sa tradisyon sa Ypres mula sa Gitnang Panahon kung saan ang mga pusa ay hinahagis mula sa belfry ng Cloth Hall sa isang liwasan sa ibaba nito.
Isa sa pinaniniwalaang pinagmulan ng tradisyong ito ang pag-uugnay ng mga pusa sa panggagaway at ang paghahagis ng mga buhay na pusa ay sumusimbolo sa pagpatay ng masasamang espiritu.[3] Ang huling pagdaraos nito ay noong 1817. Ang isa pang kuwento ay ang mga pusa ay dinala sa Cloth Hall (Lakenhallen) upang kontrolin ang peste gaya ng daga.