Bureau of Internal Revenue | |
Buod ng Ahensya | |
---|---|
Pagkabuo | 1 Agosto 1904 |
Kapamahalaan | Pamahalaan ng Pilipinas |
Punong himpilan | Daang Agham, Diliman, Lungsod Quezon, Pilipinas |
Kasabihan/motto | Kahusayan sa Paglilingkod na may Katapatang-asal at Propesyonalismo |
Tagapagpaganap ng ahensiya |
|
Pinagmulan na ahensiya | Kagawaran ng Pananalapi |
Websayt | www.bir.gov.ph |
Ang Kawanihan ng Rentas Internas (BIR) (Ingles: Bureau of Internal Revenue) ay isang ahensiya ng pamahalaan ng Republika ng Pilipinas sa ilalim ng Kagawaran ng Pananalapi na naglilikom ng mga iba't ibang uri ng buwis sa bansa. Ito ay naglilikom mahigit sa kalahati ng kabuuang kita ng pamahalaan.
Ang mga kapangyarihan at gawain ng BIR ay ang mga sumusunod:
Itinatag ang BIR sa bisa ng Batas Blg. 1189 ng Komisyon ng Pilipinas noong 1 Agosto 1904 na binubuo ng 69 na opisyal at manggagawa lamang. Ito'y lumalawig nang kapansin-pansin pagkalipas ng maraming taon. Si John S. Hord ay ang unang Tagalikom ng Rentas Internas na naging tagapamahala ng kawanihan sa loob ng tatlong taon (1903-1907). Sumunod sa kanya ay sina Ellis Cromwell (1909-1912), William T. Nolting (1912-1914) at James J. Rafferty (1914-1918) na naging huling Amerikanong tagalikom ng Kawanihan. May tatlong Pilipino na nakapaglingkod bilang mga Tagalikom ang BIR na sina Wenceslao Trinidad, Juan Posadas, Jr. at Alfredo L. Yatco.
Ang pilipinisasyon ng BIR ay nagsimula kay Bibiano L. Meer, ang ikawalo at ikasampung tagalikom (3 Enero 1939 - 31 Disyembre 1941; 28 Hunyo 1946 - 4 Oktubre 1950). Siya rin ang tagapamahala ng adwana at rentas internas noong panahon ng pananakop ng mga Hapones. Pagkatapos ng digmaan, siya'y pinalitan ni Jose Leido, Sr.. Subali't, napalitan siya kay Meer, na naging tagalikom sa pangalawang pagkakataon. Noong Oktubre 1950, natapos ang panunungkulan ni Meer at ang pumalit ay si Saturnino David. Umupo si Antonio Araneta noong Enero 1954 bilang kapalit kay Saturnino David. Noong 1957, ang posisyon ng tagalikom ay napalitan sa komisyonado.