Khrushchevismo

Larawan ni Nikita Khrushchev sa pahayagang TIME noong 1953

Ang Khrushchevismo ay isang baryante ng Marxismo–Leninismo na binubuo ng mga huna at patakaran ni Nikita Khrushchev at ng kanyang pangangasiwa sa Unyong Sobyet. Saklaw nito ang pagtanggi ng Stalinismo at partikular na kumakatawan sa isang kilusan na palayo sa mga politikang Stalinista, kabilang ang pagtataguyod ng isang mas liberal na pagpaparaya sa mga pangkalinangang pagtutol at paglihis, isang mas nakakaengganyong pandaigdigang patakaran sa mga ugnayan at saloobin sa mga dayuhan at pagtanggi sa mga Stalinistang awtokrasya at teroristang taktika.