Kinning Park | |
Eskoses: Kinning Pairk | |
Sussex Street |
|
OS grid reference | NS571640 |
---|---|
Council area | Glasgow City Council |
Pagkatinyenteng pook | Glasgow |
Kondehan | Scotland |
Malayang estado | United Kingdom |
Koreong bayan | GLASGOW |
Distrito ng koreong distrito | G41 |
Kodigong pang-dial | 0141 |
Pulis | Strathclyde |
Bumbero | Strathclyde |
Ambulansya | Scottish |
Parlamento ng EU | Scotland |
UK Parliament | Glasgow Central |
Scottish Parliament | Glasgow Southside |
Tala ng mga lugar: UK • Scotland • Glasgow |
Ang Kinning Park ay ang timog na suburbyo ng Glasgow, Scotland.[1] Ito ay dating isang hiwalay na police burgh sa pagitan ng 1871 at 1905 bago maging bahagi ng nasabing lungsod. Noong taong 1897 mayroon itong populasyon na 14,326.[2]
Orihinal na isang hiwalay na police burgh na itinatag noong 1871, naging bahagi ito ng Glasgow noong 1905[3] (simula noon ito ay isang Town Council ward na matatagpuan sa pagitan ng mga eryang sumasaklaw sa Plantation sa kanluran at Kingston sa silangan).[4] Ito ang pinakamaliit na burgh sa Scotland sa lawak na 108 akre (0.44 km2). Sa loob ng 34-taong pag-iral nito, ang burgh ay mayroong sariling konseho, halalan, coat of arm, provosts, bahay-pamahalaan, council chambers, brigada ng bumbero, puwersa ng pulisya, at korte ng pulisya.[5]
Ayon sa isang mapa ni Robert Ogilvy noong 1741 ng pagmamay-ari ni Sir John Maxwell ng Pollok ay mayroong lugar na tinawag na "The Park" sa kanluran lamang ng gusaling "Kinnen House" (kalaunan ay naging Kinning House)[6] at nasa timog ng ngayon ay Paisley Road Toll, ngunit hanggang ika-19 na siglo ay tinawag na Parkhouse Toll. Samakatuwid, ang kalapitan ng "The Park" at "Kinning House" ay malamang na pinanggalingan ng pangalang Kinning Park habang umuunlad ang lugar.[7] Ang "Kinning" ay maaaring maiugnay sa salitang Eskoses na "kinnen" ("cunig", "cuning", "cunyg" o "coney") na nangangahulugang isang kuneho.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)