Konstitusyon ng Malolos

Ang Konstitusyon ng Malolos ay pinagtibay noong Enero 21, 1899 ng Kongreso ng Malolos sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan at nagtatag ng Unang Republika ng Pilipinas.[1][2] Nakasulat ang orihinal nito sa wikang Kastila.[3][4]

Pagsulat at pagtibay sa Konstitusyon ng Malolos

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panandang pangkasaysayan sa Simbahan ng Barasoain na ginugunita ang pagkakabisa ng saligang batas noong Enero 21, 1899

Isang pagpupulong ang naganap noong Setyembre 15, 1898 sa Simbahan ng Barasoain upang magsulat ng Konstitusyon ng Pilipinas.[2] Ang pagpupulong na ito ay dinaluhan ng 193 na mga delegado ng mga lalawigan ng Pilipinas.[2] Kasama sa mga nagpunta ay sina Fr. Gregorio Aglipay, Felipe Calderon, Antonio Luna, at Teodoro Sandiko.[2] Ang nahalal na presidente ng pagpupulong na ito ay si Pedro Paterno.[2]

Kumuha ng inspirasyon ang Konstitusyon ng Malolos mula sa 1812 Konstitusyon ng mga Kastila, 1793 Konstitusyon ng mga Pranses, at sa mga saligang batas ng Belhika, Mehiko, Brazil, Nicaragua, Costa Rica, at Guatemala.[3]

Ipinahayag ni Emilio Aguinaldo noong Enero 21, 1899 ang Konstitusyon ng Malolos.[5]

Probisyon ng Konstitusyon ng Malolos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Konstitusyon ng Malolos, ang magiging gobyerno ay isang uri ng pamahalaang parliyamentaryo kung saan ang Presidente ng Republika ay ihahalal ng lehislatura o ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Bansa (Assembly of Representatives of the Nation).[3]

Tinukoy ng Konstitusyon ng Malolos kung sino ang mga mamamayang Pilipino at nilinaw ang kanilang mga kalayaan, karapatan, tungkulin at pananagutan.[1]

Nakasaad din sa Konstitusyon ng Malolos ang pagkakaroon ng sistema ng libre at sapilitang edukasyon sa elementarya.[6]

Walang naipahayag na mga patakarang pang-ekonomiya sa Konstitusyon ng Malolos.[3]

Isang pagbabagong dulot ng Konstitusyon ng Malolos ay ang paghihiwalay ng Simbahan at ng Estado.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Trillana III, Dr Pablo S. (2022-01-17). "Asia's Cradle of Freedom: The Malolos Constitution and the First Philippine Republic". BusinessMirror. Nakuha noong 2023-12-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 "Malolos Congress". www.barasoainchurch.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-12-26. Nakuha noong 2023-12-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 "The Malolos Constitution: the best Philippine constitution?". The Konstitusyon Project. 2021-01-21. Nakuha noong 2023-12-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  4. "The 1899 Malolos Constitution". Official Gazette. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 5, 2017. Nakuha noong Disyembre 30, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Agoncillo, Teodoro A. (1990). History of the Filipino People. R. P. Garcia Publishing Co. ISBN 971-1024-15-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Historical Perspective of the Philippine Educational System". Department of Education. Republic of the Philippines. Nakuha noong 2023-12-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)