Ang Kultura ng Scotland ay tumutukoy sa mga kilos ng mga tao at mga simbolo na maaaring iugnay sa Scotland at sa mga Eskoses. Ang ilan sa mga elemento ng Kulturang Eskoses ay, ang hiwalay nitong simbahan, dahil sa Treaty of Union (1706–1707), at sa ibang mga instrumento. Ang watawat ng Eskosya ay bughaw at may puting saltire o ekis na nagsisimbolo sa krus ni St. Andrew.
Ang Eskosya ay mayroong Batasang Eskoses, ang kaniyang sariling ligal na sistema, na nakabase sa Batasang Romano, na ipinagsama ang batas sibil at karaniwang batas. Ang mga takda ng pagkakaisa kasama ng England ay nagsasabing mananatiling hiwalay ang kanilang mga sistema. Ang mga barristers ay tinatawag na advocates, at ang mga hukom ng mga kasong sibil ay mga hukom rin ng mga kasong kriminal. Ang Batasang Eskoses ay naiiba sa Batasang Ingles. Ngunit dati maraming sistema ng batas sa Eskosya, isa dito ay ang Batasang Udal sa Shetland at Orkney. Ito ay supling ng Batasang Old Norse, ngunit itinangal noong 1611. Sa kabila nito, ang mga Hukumang Eskoses ay kinilala ang pangingibabaw ng Batasang Udal sa mga kaso ng pagaari noong 1990's.[1] May kilusan na ginugusto ang pagbalik ng sistemang Udal. Ibang sistema na nakabase sa Batasang Celtic ay nanatili sa Highlands hanggang 1800.
Ang pagbabangko sa Eskosya ay may naiibang katangian. Ngunit ang Bangko ng England ay ang sentral na bangko sa buong United Kingdom, tatlong Bangkong Eskoses ay nagpapalabas ng kanilang banknotes ito ay ang Bank of Scotland, Royal Bank of Scotland at ang Clydesdale Bank.
Ang Eskosya ay kilala sa kanilang Great Highland Pipe, isa ito sa mahalagang bahagi ng Kulturang Eskoses. Ito ay iniuugnay ay mga pamilyang at mga propesyunal na mangpipipo. Ang mga pamilyang nagpipipo o mga piping clans ay ang Clan Henderson, MacArthurs, MacDonalds at MacCrimmon.
Ilan sa mga sagisag ng Eskosya ay ang Watawat ng Scotland, Tartan, Whisky, Bagpipe, at Kilt
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalinangan at Eskosya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.