LaLola | |
---|---|
Uri | Romantiko |
Gumawa | Sebastián Ortega |
Nagsaayos | Jun Lana |
Direktor | Dominic Zapata Jun Lana |
Pinangungunahan ni/nina | Rhian Ramos JC de Vera |
Isinalaysay ni/nina | Keempee de Leon |
Kompositor ng tema | Tats Faustino (musika) Janno Gibbs (titik) |
Bansang pinagmulan | Pilipinas |
Wika | Filipino |
Paggawa | |
Prodyuser tagapagpaganap | Wilma Galvante |
Lokasyon | Kalakhang Maynila, Pilipinas |
Oras ng pagpapalabas | 30-45 minuto |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | GMA Network |
Picture format | 480i SDTV |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 13 Oktubre 2008 6 Pebrero 2009 | –
Kronolohiya | |
Kaugnay na palabas | Lalola (bersyon ng Argentina) |
Website | |
Opisyal |
Ang Lalola o lal♂♀la ay isang palatuntunan ng GMA Network na gaya sa orihinal na palabas ng Arhentina. Ito ay unang ipinalabas noong ika-labintatlo ng Oktubre 2008 (13 Oktubre 2008) at pinangungunahan ni JC de Vera at Rhian Ramos. Simula sa 28 Pebrero 2011, muli syang pinapalabas sa buong mundo sa pamamagitan ng GMA Life TV.
Isang lalaki nagngangalang Lalo (Wendell Ramos), ang presidente ng Distelleria Lobregatt, na maraming niloko at nasaktang babae. Noong nasaktan niya ang babaylang si Ada at ito'y nagpakamatay, maghihiganti ang kanyang kapatid na si Sera. Nilagyan si Lalo ng sumpa. Isang halik lamang kay Sera at ito ay makukulong sa katwan ng isang babae. Wala nang iba ngunit ang kanyang kaibigang si Gary (Keempee de Leon) lamang ang naniniwala sa kanyang pagbabalat-kayo. Wala siyang magagawa ngunit magpanggap na babae.
Pinasok ni Lalo ang kanyang dating kompanya, ang Distelleria Lobregat, at nagpakilalang Lola, syota ni Lalo. Habang nasa kompanya, kailangan niyang malampasan ang lahat ng hamon at ang makakalaban niyang si Gaston (Marvin Agustin).
Habang nasa loob ng isang babae, napapansin ni Lalo/Lola na habang dumadaan ang araw, mas nagiging babae siya at nabibighani siya kay Facundo (JC de Vera), ang bise-presidente ng Distelleria Lobregat at kumpletong kabaliktaran ni Lalo.