Lampirong | |
---|---|
Isang malinis na kabibe ng kapis na handa na para sa pagpoproseso, na may litid na palupo na may hugis V sa labas | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Mollusca |
Hati: | Bivalvia |
Orden: | Pectinida |
Pamilya: | Placunidae |
Sari: | Placuna |
Espesye: | P. placenta
|
Pangalang binomial | |
Placuna placenta |
Ang lampirong (Placuna placenta) ay isang bototoy lukang pandagat sa pamilya ng Placunidae.[1] Nakakain ang mga ito, nguni't higit na pinahahalagahan para sa mga kabibe (at higit ang mga maliliit na perlas). Ang mga kabibe ay ginagamit sa loob ng mga libong taon bilang kapalit sa salamin dahil sa kanilang tibay at kaaninagan. Kamakailan, ginagamit din sila sa paggawa ng mga bagay na pandekorasyon tulad ng mga aranya at mga lampara; sa gamit na ito, ang kabibe ay kilala bilang kapis.[2] Ginagamit din ang mga kabibeng kapis bilang mga hilaw na sangkap sa paggawa ng pandikit, yeso at pampakintab.
Ang pamamahagi ay umaabot mula sa mababaw na dako ng Golpo ng Aden sa paligid ng Pilipinas, kung saan masagana ito sa epominong lalawigan ng Capiz. Ang mga lukan ay matatagpuan sa maputik o mabuhanging dalampasigan, sa mga look, mga kalas at mga pulilan sa lalim ng halos 100 m (330 talampakan).
Ang mga populasyon ay bumababa dahil sa mga mapanirang pamamaraan ng pangingisda at pagtitipon tulad ng pamamalakaya, pagdadraga, pagsabog sa pangingisda at ibabaw na pagsisisid. Sa Pilipinas, ang mga palaisdaan ay kasalukuyang na pangangalaga sa pamamagitan ng mga pase, kota, mga hangganan sa laki at mga protektadong tirahan. Sa kabila nito, patuloy na nauubusan ng mga mapagkukunan.[3]
Ang mga halos na patag na kabibe ng kapis ay lumalaki sa humigit 150 mm (5.9 talampakan) sa bantod, umaabot sa paggulang sa pagitan ng 70 hanggang 100 mm (2.8 hanggang 3.9 talampakan). Ang kabibe ay tinitbayan ng litid na hugis V. Ang mga lalaki at mga babae ay nakikilala sa pamamagitan ng kulay ng mga gonada. Ang pagpupunla ay panlabas at ang mga larba ay mga plankton na tila lumalangoy sa loob ng laping-apat na araw o nakakabit sa mga karayagan sa pamamagitan ng biso sa panahon ng banyuhay, kalaunan ay tumira sa ilalim.[4] Kinakain nila ang mga plankton na sinala mula sa tubig na dumadaan sa kanilang bahagyang nakabukas na kabibe; nagsasara ang kabibe kung ang bototoy ay nasa itaas ng tubig sa panahon ng kati.[2]
Bukod sa pagiging masagana sa lalawigan ng Capiz, ang mga kapis ay masagana rin sa pulo ng Samal, Davao del Norte, kung saan 500 tonelada ng mga kabibeng kapis ay inaani bawat iba pang mga taon.
Ang mga kabibeng kapis na matatagpuan sa paligid ng pulo ay inaani at iniibang-anyo sa mga iba't ibang produktong pampalamuti. Noong 2005, ang mga residente ng pulo ay sinanay upang itaguyod ang industriya; subali't, ang paglipat ng kaalaman upang mapasulong ang industriya ay hindi napapanatili sa loob ng mga taon.[5]
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)