Makamisa

Makamisa
May-akdaJose Rizal
BansaPilipinas
WikaTagalog
DyanraNobela
ISBN----
Sumunod saEl filibusterismo 
Sinundan ng---- 
Mga Nobela ni Jose Rizal

Ang Makamisa ay tinaguriang ikatlo sa mga nobelang isinulat ni Jose Rizal. Ito ay tinangkang isulat at tapusin ni Rizal sa wikang Tagalog. Ang nobela ay umiinog sa bayan ng Tulig, at nagsimula sa isang eksena ng misa na ibinigay ni Pare Agaton sa mga mamamayang sakop niya. Kabilang sa mga pangunahing tauhan ay sina Capitan Lucas, Marcela, Don Segundo, Teniente Tato, at Aleng Anday.

Dalawang manuskrito ang natagpuan, una ay nasa wikang Tagalog, at ang ikalawa naman ay nasa wikang Espanyol. Ang nasa wikang Espanyol na bersyon ay napagkamalang manuskrito ng unang nobela ni Rizal na Noli Me Tangere kaya't tinaguriang Borrador de Noli Me Tangere (Balangkas ng Noli Me Tangere) ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas. Taong 1987 nang matuklasan ni Ambeth Ocampo, na noo'y konsultant ng Pambansang Aklatan, na ang dalawang manuskrito ay may iisang kuwento at walang kinalaman sa nobelang Noli Me Tangere. Taliwas sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ang Makamisa ay isinulat sa higit na nakakaaliw na paraan. Tumigil ang tugtugan at natapos ang misa ni Pare Agaton.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Ocampo, Ambeth R. Makamisa: The Search for Rizal's Third Novel. Lungsod ng Pasig: Anvil Pub., 1992.

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]