Sport | Basketball and other sports |
---|---|
Itinatag | 1938 |
Ceased | 1981 |
Mga Koponan | varies |
Bansa | ![]() |
Ang Manila Industrial and Commercial Athletic Association, ay isang kaganapan ng maramihang palaro sa Pilipinas. Ginanap ang MICAA mula noong 1938 hanggang 1981. Nakilala ang MICAA para sa liga ng basketbol nito, kung saan nakilahok ang pinakamagaling na apisyonadong manlalaro ng basketbol sa bansa.
Ang liga ng basketbol ng MICAA ay unang ginanap noong 1938, sa pamamahala ng Basketball Association of the Philippines (na ngayo'y naghinto na ng mga operasyon). Ang mga manlalaro ay mga empleyado na humahawak ng karaniwang trabaho sa iba't-ibang kompanya, tulad ng pinapahiwatig ng pangalan ng MICAA. Ngunit, sa pag-tagal, ito ay naging isang mala-propesyunal na liga, at nagsimulang lumahok ang pinakamahusay na manlalaro ng basketbol sa bansa dito. Ito ang naging unang tunay liga ng basketbol sa Pilipinas hanggang sa siyam na mga koponan nito ay umalis sa MICAA, at itinatag ang unang propesyunal na liga ng basketbol sa Asya, ang Philippine Basketball Association, noong 1975.