Marius Barbeau

Marius Barbeau
Kapanganakan5 Marso 1883
  • (La Nouvelle-Beauce, Chaudière-Appalaches, Québec, Canada)
Kamatayan27 Pebrero 1969
MamamayanCanada
NagtaposPamantasang Laval
Trabahoantropologo, manunulat, Etnograper, propesor ng unibersidad, manunulat ng sanaysay

Si Charles Marius Barbeau, CC FRSC (Marso 5, 1883 – Pebrero 27, 1969), na kilala rin bilang C. Marius Barbeau, o mas karaniwang simpleng Marius Barbeau, ay isang Canadiense na etnograpo at folklorista[1] na ngayon ay itinuturing na tagapagtatag ng Canadiense na antropolohiya.[2] Isang Iskolar ng Rhodes, kilala siya sa maagang pagsusulong ng kulturang katutubong Québecois, at para sa kaniyang kumpletong paghahanay ng organisasyong panlipunan, mga tradisyon ng pagsasalaysay at musikal, at mga plastik na sining ng mga taong nagsasalita ng Tsimshianika sa British Columbia (Tsimshian, Gitxsan, at Nisga'a), at iba pang mga naninirahan Baybaying Hilagang-kanluran. Nakabuo siya ng mga hindi kinaugaliang teorya hinggil sa mga tao sa Amerika.

Si Barbeau ay isang kontrobersiyal na pigura dahil binatikos siya dahil sa hindi niya tumpak na pagkatawan sa kaniyang mga katutubong impormante. Sa kaniyang antropolohikong gawain sa mga Tsimshian at Huron-Wyandot, halimbawa, si Barbeau ay naghahanap lamang ng kung ano ang tinukoy niya bilang "tunay" na mga kuwento na walang implikasyon sa politika. Ang mga impormante ay madalas na ayaw makipagtulungan sa kaniya para sa iba't ibang dahilan. Posibleng ang mga "edukadong inpormante," na pinayuhan ni Barbeau na iwasan ng kainyang mga estudyante, ay hindi nagtiwala sa kanya na ipakalat ang kanilang mga kuwento.[3]

Buhay at karera

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kabataan at edukasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Frédéric Charles Joseph Marius Barbeau ay ipinanganak noong Marso 5, 1883, sa Sainte-Marie, Quebec. Noong 1897, nagsimula siyang mag-aral para sa pagkapari. Isinagawa niya ang kaniyang mga klasikong pag-aaral sa, Collège de Ste-Anne-de-la-Pocatière. Noong 1903 binago niya ang kaniyang pag-aaral sa isang degree sa panananggol sa Université Laval, na natanggap niya noong 1907. Nagpunta siya sa Ingles sa isang Rhodes Scholarship, nag-aaral sa Kolehiyo Oriel, Oxford mula 1907 hanggang 1910, kung saan nagsimula ang kaniyang pag-aaral sa mga bagong larangan ng antropolohiya, arkeolohiya, at etnograpiya. Tuwing panahon ng tag-araw, dadalo siya sa École des hautes études de la Sorbonne at École d'anthropologie. Sa Paris makikilala niya si Marcel Mauss na maghihikayat sa kaniya na mag-aral ng Hilagang Amerikanong Katutubong Kuwentong-pambayan. Nag-aral siya sa ilalim ni R. R. Marett.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Lynda Jessup; Andrew Nurse; Gordon Ernest Smith (2008). Around and about Marius Barbeau: Modelling Twentieth-century Culture. Canadian Museum of Civilization. pp. 207–208. ISBN 978-0-660-19775-3.
  2. Renée Landry; Denise Ménard; R.J. Preston. "Marius Barbeau". The Canadian Encyclopedia. Nakuha noong August 22, 2019.
  3. Harrison and Darnell, J & R (2006). Historicizing Canadian Anthropology. Vancouver: UBC Press.
  4. Nowry, Laurence. Man of Mana, Marius Barbeau : A Biography. Toronto, Ont.: NC Press, 1995.