Mga Basang Sisiw | |
---|---|
![]() | |
Uri | Telenovela |
Gumawa | GMA Entertainment TV Group |
Nagsaayos | Dode Cruz |
Isinulat ni/nina | Luningning Interio-Ribay Christine Novicio |
Direktor | Ricky Davao |
Creative director | Jun Lana |
Pinangungunahan ni/nina | Lani Mercado Raymond Bagatsing Gardo Versoza Maxene Magalona Mike Tan Renz Valerio Bianca Umali Kimberly Faye Hershey Garcia Miko Zarsadias Caridad Sanchez |
Kompositor | Nonong Buencamino |
Bansang pinagmulan | Pilipinas |
Wika | Filipino |
Bilang ng kabanata | 110 |
Paggawa | |
Prodyuser tagapagpaganap | Kaye Atienza-Cadsawan |
Lokasyon | Lungsod ng Quezon, Pilipinas |
Sinematograpiya | Chiqui Soriano |
Ayos ng kamera | Multiple-camera setup |
Oras ng pagpapalabas | 30-45 minuto |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | GMA Network |
Picture format | 480i NTSC |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 3 Hunyo 1 Nobyembre 2013 | –
Website | |
Opisyal |
Ang Mga Basang Sisiw ay isang palabas sa telebisyon sa Pilipinas ng GMA Network, na nilikha ni Dode Cruz. Ang seryeng ito ay kuha sa klasikong pelikula ni Agustin dela Cruz sa parehong kapangalan at pinagbibidahan nina Lani Mercado, Raymond Bagatsing, Gardo Versoza, Maxene Magalona, Mike Tan at ipinakikilala sina Renz Valerio, Bianca Umali, Kimberly Faye, Hershey Garcia at Miko Zarsadias. Ang gumawang tagapagpaganap sa programang ito ay si Kaye Atienza-Cadsawan at sa direksiyon no Ricky Davao.[1]
Kahit sa mga madidilim na sandali, masisilayan pa rin ang sinag ng pag-asa basta't magkakasama ang mga basang sisiw sa anumang pagsubok ng buhay.
Kapwa laki sa ampunan sina Froilan (Raymond Bagatsing) at Olivia (Lani Mercado). Pareho silang ulila sa tunay nilang mga magulang. Sa ampunan, sabay nilang pinangarap na sana balang araw ay magkaroon sila ng maganda at buong pamilya… Lumipas ang maraming panahon, natupad ang kanilang pangarap. Nagkatuluyan sina Froilan at Olivia, ngayon ay 15 taon na silang kasal at biniyayaan ng limang magagandang anak na sina Faye (Bianca Umali), Justin (Renz Valerio), Shine (Kimberly Faye), Cha (Hershey Garcia) at Mickey (Miko Zarsadias).
Dahil maraming anak, doble kayod si Froilan para maibigay hindi lamang ang pangangailangan ng mga bata, kundi maging ang mga luho nila. Madalas nila itong pagtalunan ni Olivia. Nakakita ng isang kaibigan at kakampi si Olivia kay Vicky (Maxene Magalona). Wala siyang kamalay-malay na isang kaaway pala ang tingin ni Vicky kay Olivia, dahil naiinggit siya dito at may gusto siya kay Froilan.
Nang umuwing lasing ay aakitin ni Vicky si Froilan at may mangyayari sa kanila. Mabibisto ni Olivia ang nangyari kina Vicky at Froilan.
Lilipad ang mag-iina sa probinsiya ngunit babagsak ang eroplanong sinasakyan nila sa dagat. Mawawalay si Olivia sa mga anak niya. Maliligtas naman ng rescue team ang mga bata at madadala sa ospital.
Magiging miserable si Froilan sa pagkawala ni Olivia. Para namang nawalan ng pakpak ang mga bata sa pagkawala ng kanilang ina. Tanging si Froilan na lang ang masasandalan nila ngunit magkakasakit pa ito at mababaldado.
Aalagaan ni Vicky si Froilan na parang isang asawa, pilit din siyang magpapaka-ina din sa mga bata kahit inis siya sa mga ito. Siya ngayon ang may hawak sa yaman ng mga bata kaya hindi siya maaaring suwayin ng mga ito.
Hanggang sa lalayas ang magkakapatid at mapipilitang tumira sa kalsada na parang mga palubi. Ibang-iba sa kinagisnan nilang buhay na marangya at maginhawa.
Ano kaya ang nag-aabang na kapalaran sa limang magkakapatid ngayong sila na lang ang magkakasama?
Ano ang mga gagawin ni Vicky upang mapanatiling hawak si Froilan at ang yaman ng pamilya?
Mabubuo pa kaya ang pamilyang sinira ng isang pagkakamali?
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link)