Klasipikasyon | Restorasyonismo |
---|---|
Oryentasyon | Kontra-Trinidad |
Lugar na sakop | Pilipinas, may kaunting bilang ng kaanib sa ibang bansa. |
Mga Simbahan | 1,360monitoring/coordinating centers[1][2][3] |
Ospital | ADD Polyclinic and Pharmacy[4] |
Mga Dalubhasaan | La Verdad Christian College |
Opisyal na Websayt | www.mcgi.org |
Ang Mga Kaanib sa Iglesia ng Dios na Pandaigdig (sa kanyang opisyal na pangalan sa Tagalog na Mga Kaanib sa Iglesia ng Dios Internasyonal) na mas kilala sa katawagang Ingles na Members Church of God International ay ang pangalan ng organisasyong panrelihiyon sa bansang Pilipinas na unang nirehistro ni Eliseo Soriano noong 1977. Ito ay mas kilala sa tawag na Ang Dating Daan, ang kanilang pangunahing programa sa radyo at telebisyon.[5]
Si Eliseo Soriano na ipinanganak noong Abril 4, 1947 ay lumaki at namulat na kaanib sa pangkating pananampalataya na tinatawag na "Iglesia ng Diyos kay Cristo Hesus Haligi at Suhay ng Katotohanan" na pinangungunahan noon ni Nicolas Perez (ang dating nangangasiwa sa samahan). Noong taong 1969, si Soriano ay naging ministro ng samahan, at bilang isang tagapangaral, isa siya sa mga maaaring maging kahalili ni Perez bilang tagapangasiwa. Pagkamatay ni Nicolas Perez noong taong 1975, isang babaeng tagapangaral ang pumalit sa tungkuling iniwan ni Perez, siya ay si Levita Gugulan. Ang kaganapang iyon ay tinutulan ni Soriano na nagbunga ng kaniyang pagtalikod sa samahan kasama ang 16 na mga kaanib noong Pebrero 21, 1976. Si Soriano at ang kaniyang mga kasamang tumiwalag ay nagtatag ng panibagong pangkatin ng pananampalataya na tinatawag na "Mga Kaanib Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus Haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas".[6]
Noong Abril 20, 1980, ang samahan ay naipatala sa pamahalaan ng Pilipinas at si Soriano ang siyang naging tagapangasiwang pangkalahatan. Ang pangkat na ito ay unang namahayag ng pananampalataya sa mga bayan ng Pampanga at kinalaunan ay sa mga karatig lalawigan ng Bulacan, Rizal, Nueva Ecija, Bataan at Kalakhang Maynila. Sa mga huling buwan ng taong 1980, ang samahan ay naglunsad ng palatuntunan sa radyo na tinatawag na Ang Dating Daan (ADD). Sa pamamagitan ng DWWA 1206kHz, isang lokal na himpilan ng radyo, ay nagawang mapakinggan ang ADD sa iba't-ibang bahagi ng kapuluan ng Pilipinas. Ang nasabing palatuntunan ay naging kilala sa Pilipinas dahil sa may bahagi ito na tuwirang sumasagot sa mga katanungan ng mga tagapakinig. Taong 1983 nang pinasimulan itong isahimpapawid sa pambansang telebisyon sa pamamagitan ng Intercontinental Broadcasting Channel 13. Ang dating panradyong palatuntunan ng ADD ay ipinagpatuloy sa mga himpilan ng RJTV 29, PTV 4, SBN 21, at ngayon ay UNTV.
Taong 2005, ang samahan ay nagpalit ng pangalan na kilala na ngayon sa tawag na "Members Church of God International". Nagpasimulang mamahayag ng mga aral panrelihiyon noong Enero 7, 2006. Ito ay isinagawa sa Los Angeles, California sa Estados Unidos. Ang pangangaral ay sumunod sa mga kontinente ng Oceania noong 2008 na nagbunga ng pagkakatatag ng kongregasyon sa bansang Papua New Guinea. Sa taong ding iyon, dahil sa sunud-sunod na pangangaral ay naitatag rin ang mga kongregasyon sa Ghana, Kanlurang Africa. Sa mga unang buwan ng 2009, nagawang maipakilala ang samahan sa Timog America.[7]
Ang unang di-pagkakaunawaan sa loob ng samahan ay nangyari nang ang pangunahing tagapangaral ni Eliseo Soriano na si Wilfredo Santiago, na kilala sa tawag na Bro. Willy, ay nagkaroon ng iringan ukol sa "pabagu-bagong" pamumuno at mga "mali-maling doktrina" sa samahan ng MCGI (katulad ng paninikluhod sa silangan tuwing mananalangin, at ang pangingilin ng Sabbath). Ito ay nagbunga ng pag-aklas ni Willy Santiago kasama ang 12 kaanib noong Oktubre 2009 at pagkakatatag ng kanilang bagong samahan na Members Church of God in Jesus Christ Worldwide o MCGJCW.[8]
Ang sentrong pamamahala ng MCGI ay kinabibilangan ng Pangkalahatang Tagapaglingkod, Pangalawang Pangkalahatang Tagapaglingkod, Katulong na Sanggunian sa Pamamahala at mga Manggagawa. Sa mga lokal naman ay ang mga Manggagawa na nangangalaga sa kapakanang pang-espirituwal, gaya ng Pasalamat, Pulong Panalangin, Pagsamba, Doktrina, at pag-aaral ng Bibliya. Ang Pangkalahatang Tagapaglingkod (na tinatawag noon na Tagapangasiwang Pangkalahatan) ang siyang sumusubaybay sa lahat ng gawain ng samahan at nagpapatupad ng mga alituntunin at mga proyekto. Sa kasalukuyan, si Daniel Razon, ang pamangkin ni Soriano ang siyang pangalawang namumuno sa MCGI. Ang Katulong na Sanggunian sa Pamamahala ang siyang nakatalaga sa pagsusubaybay sa mga Dibisyon ng samahan (Ang Dibisyon ay kahalintulad ng isang rehiyon sa Pilipinas). Ang Tagapaglingkod Pampook naman ang siyang tagasubaysay sa mga Distrito Eklesiastiko (Ang Distrito ay kahalintulad ng isang lalawigan sa Pilipinas). Ang mga Manggagawa ang nasa hanay ng mga tagapanguna sa lahat ng aktibidad at gawain na isinasagawa sa mga lokal sa ilalim ng pangangasiwa ng Pangkalahatang Tagapaglingkod at ng mga nakatalagang Katulong sa Pamamahala. [9]
Ang sentrong tanggapan ng MCGI ay nasa Apalit, Pampanga, Pilipinas.
Simula pa noong taong 1980, mayroon nang alitan at hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng pangkating panrelihiyon na Iglesia ni Cristo (INC) at ang samahang Members Church of God International (MCGI). Ito ay nangyari nang pinasimulan ni Eliseo Soriano ang kaniyang palatuntunan sa radyo na Ang Dating Daan (ADD). Sa kaniyang programa o palatuntunan, tinatalakay niya ang mga usapin sa bibliya at ayon sa kaniya ay "pagsisiwalat" sa paniniwala ng mga ibang relihiyon, kasama na ang INC, na sa kaniya ay mali. Pagkatapos ng dalawampu't-isang taon, inilunsad ng INC ang kaniyang sariling palatuntunan pantelebisyon noong taong 2001 sa ilalim ng programang Ang Tamang Daan bilang pagsagot sa mga katotohanang ibinubunyag ng Ang Dating Daan sa unang pagkakataon. Ang palatuntunan ng INC ay kinapapalooban ng mga putol-putol na video footages at recordings ng mga nagsasalita (hosts) sa ADD habang isinasagawa ang pagtalakay sa programa ng Ang Tamang Daan.
Ang Dating Daan, Ang Dating Daan Mandarin Edition, Itanong mo kay Soriano, Truth in Focus, Bible Guide
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: External link in |website=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)