Ang mga Tiruray, na binabaybay din na Tirurai at tinatawag din bilang mga Teduray, ay isang pangkat etniko sa Pilipinas na mayroong kaparehong ninuno sa Maguindanao at may kaugnayan sa mga Muslim ng Maguindanao. Nakatira sila sa distrito ng Dinaig, na nasa timog ng Ilog ng Cotabato. Mayroon silang tatlong kapangkatan: ang mga naninirahan sa may dalampasigan, ang mga naninirahan sa ilog, at ang mga naninirahan sa kabundukan. Noong 1974, nagkaroon na ng mga Tiruray na naninirahan sa Davao del Norte.[1]
Ang mga Tiruary na naninirahan sa dalampasigan ay nagsasaka, nangangaso, nangingisda at humahabi ng mga basket na mayroong disenyong heometriko at mayroong dalawang mga kulay.[1]
Ang mga Tiruray na nasa kabundukan ay namumuhay sa pamamagitan ng agrikultura, pangangaso, at pagkuha ng mga produkto ng kagubatan.[1]
Ang katutubong paniniwala ng mga Tiruray ay may kaugnayan sa animismo. Ngunit mayroon din mga Muslim, dahil sa nangyaring pakikisalamuha ng ibang mga Tiruray sa mga Muslim ng Maguindanao.[1] Bagaman mayroong ding mga Kristiyanong naimpluwensiyahan ng Katolisismong Romano at Episkopalyano.[1]