Sa kanyang Talumpati sa Kalagayan ng Bansa (SONA) noong 2006, inimungkahi ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagbubuo ng mga itinaguriang "super" rehiyon ng Pilipinas, kung saan nakapangkat ang mga lalawigan ng Pilipinas ayon sa kanilang mga kalakasang ekonomiko. Pormal na itinatag ang mga super rehiyon sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 561 noong 19 Agosto 2006.
Hindi opisyal na binibilang ang mga super rehiyon sa herarkiya ng pamahalaang lokal sa Pilipinas (mga rehiyon, lalawigan, lungsod, bayan at barangay), dahil ayon sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 561:
[These] groupings neither supersede current political boundaries nor alter the regional development councils as established by existing laws and issuances.
(Hindi humahalili sa mga kasalukuyang hangganang pampolitika o ibinabago ang mga sangguniang panrehiyon sa pagpapaunlad na itinatag ng mga umiiral na batas at kautusan ang [mga] pangkat na ito.)
Mayroong limang super rehiyon, kung saan tinaguriang Bayani ng Kaunlaran (Development Champion) ang pinuno ng bawat super rehiyon:
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.