Motto | "Confident, beautiful, and empowered Filipinas" |
---|---|
Pagkakabuo | Disyembre 2019 |
Uri |
|
Punong tanggapan | Bonifacio Global City, Kalakhang Maynila, Pilipinas |
Kinaroroonan | |
Kasapihip | Miss Universe |
Wikang opisyal | |
Franchise Holder | Empire Philippines Holdings, Inc. |
National Director | Shamcey Supsup-Lee |
Creative Director | Jonas Gaffud |
Director of Communications | Voltaire Tayag |
Website | www.missuniverseph.com |
Ang Miss Universe Philippines ay isang patimpalak ng kagandahan at organisasyon na pumipili ng opisyal na kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe.[1]
Ang kasalukuyang Miss Universe Philippines ay si Celeste Cortesi ng Pasay na kinoronahan noong Abril 30, 2022 sa Mall of Asia Arena sa Pasay.[2] Siya ang kumatawan sa bansang Pilipinas sa Miss Universe 2022 na naganap sa New Orleans Morial Convention Center sa New Orleans, Louisiana, Estados Unidos noong Enero 14, 2023, at hindi ito napabilang sa Top 16.
Mula 1964 hanggang 2019, ang Binibining Pilipinas ang may hawak ng prangkisa para sa Miss Universe, kung saan responsable ito sa pagpili ng mga Pilipinang kakatawan sa Pilipinas at sasabak sa taunang Miss Universe pageant.[3] Sa ilalim ng Binibining Pilipinas, ang mga kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe pageant ay kinoronahan sa ilalim ng titulong Binibining Pilipinas mula 1964 hanggang 1971, at Binibining Pilipinas-Universe mula 1974 hanggang 2011.[4] Noong 2012, pinalitan ang titulong Binibining Pilipinas Universe sa Miss Universe Philippines. Unang ibinigay ang titulo kay Janine Tugonon noong Binibining Pilipinas 2012, at simula noon, taon-taong ibinibigay ang titulo sa nagwagi sa kompetisyon.[5]
Noong Disyembre 2019, opisyal na ipinagkaloob ang prangkisa ng Miss Universe sa Pilipinas sa isang bagong organisasyon kasama ang Binibining Pilipinas-Universe 2011 at Miss Universe 2011 3rd runner-Up na si Shamcey Supsup-Lee bilang pambansang direktor at ang Binibining Pilipinas-Universe 2006 na si Lia Andrea Ramos bilang Women Empowerment Chair, na nagbibigay daan para sa paglikha ng bagong Miss Universe Philippines Organization. Sa ilalim ng bagong organisasyon, isang hiwalay na pageant ang responsable para sa pagpili ng mga kokoronahan bilang Miss Universe Philippines mula noong taong 2020.[6]
Organisasyon ng Miss Universe Philippines Lupon ng mga Direktor | |
---|---|
Posisyon | Direktor |
Pambansang Direktor | Shamcey Supsup-Lee |
Creative Director | Jonas Gaffud |
Pinuno ng Women Empowerment & Charity | Lia Andrea Ramos |
Pinuno ng Legal Affairs | Nad Bronce |
Pinuno ng Design Council | Albert Andrada |
Pinuno ng Business Development & Marketing | Mario Garcia |
Direktor ng Komunikasyon | Voltaire Tayag |
National Search Consultant | Magdalena Cue |
Tagapayo | Jackie C. Aquino |
Tagapayo | Joee Guilas |
Tagapayo | Robby Carmona |
Tagapayo | P.Y. Cuanan |
Tagapayo | Mafae Yunon-Belasco |
Tagapayo | Margarita Gutierrez |
Noong 25 Enero 2020, inilunsad ng Miss Universe Philippines Organization ang Accredited Partner Programme, kung saan maaaring magpadala ng isang kandidata ang bawat lalawigan at lungsod sa pamamagitan ng isang accredited partner.[7][8] Tinatanggap pa rin ang mga walk-in na kandidata na siyang dadaan sa final screening. Ang mga kandidatang nakapasok sa final screening ay kukupkupin ng isang accredited partner bilang kandidata ng isang lokalidad.[7][9] Ginamit pa rin ang Accredited Partner Programme sa mga sumunod na edisyon, ngunit hindi na ito gaanong isinakatuparan. Noong 14 Hulyo 2021, isang bagong pormat ang inilunsad ng organisasyon kung saan isang-daang kandidata ang sasabak sa iba't-ibang mga hamon kung saan ang mga ito ay mababawasan mula sa pitumpu't-lima, limampu, at hanggang sa tatlumpu na lamang ang matitira. Ang tatlumpung kandidata lamang ang lumahok sa paunang kompetisyon at sa gabi ng koronasyon. Kaparehas din ang nangyari sa sumunod na taon kung saan limampu kandidata ang napili upang sumabak sa iba't-ibang hamon upang matukoy ang tatlumpu't-dalawang kandidata na magpapatuloy sa pinal na kompetisyon.
Tinanggal ang ganitong klase ng eliminasyon noong 2023 kung saan lahat ng apatnapung kandidatang inanunsyo ay siyang didiretso na rin sa pinal na kompetisyon. Sa kaparehong edisyon din unang tinanggap ang mga ina, at mga babaeng kasal na upang lumahok sa kompetisyon.
Ilang pagbabago sa pagpili ng mga kandidata ang inanunsyo noong 11 Abril 2023 sa isang press presentation para sa Miss Universe Philippines na ginanap sa Marquis Events Hall sa Taguig. Ipinakilala sa kaganapang ito ang bagong Accredited Partners Program kung saan iba't-ibang mga accredited partner mula sa iba't-ibang mga lokalidad sa Pilipinas at sa iba pang mga bansa ang mabibigyan ng prangkisa upang magsagawa ng kanilang lokal na Miss Universe Philippines pageant. Ang magwawagi sa lokal na kompetisyon ay awtomatikong magiging kandidata sa Miss Universe Philippines.[10][11] Ito ay kaiba sa Associated Partners Program na inilunsad noong 2020 kung saan tumatanggap dadaan pa sa isang final screening ang mga kandidatang kinoronahan o niluklok ng mga Associated Partner.[12]
Bukod pa rito, noong Setyembre 2023, sa kasagsagan ng Tanner Fletcher show sa New York Fashion Week, inanunsyo ni Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel na napagdesisyunan ng Miss Universe Organization na tanggalin na ang age restriction para sa mga kandidatang edad 18 pataas simula sa ika-73 edisyon ng Miss Universe.[13][14] Dahil dito, maaari na ring lumahok ang mga kandidatang edad 18 pataas sa Miss Universe Philippines.
Taon | Lokalidad | Kandidata | Edad[a] | Pagkakalagay | Mga espesyal na parangal |
---|---|---|---|---|---|
2020 | Lungsod ng Iloilo | Rabiya Mateo[15][16] | 24 | Top 21 | |
2021 | Lungsod ng Cebu | Beatrice Luigi Gomez[17][18] | 26 | Top 5 | |
2022 | Pasay | Silvia Celeste Cortesi[19][20] | 25 | ||
2023 | Makati | Michelle Daniella Dee[21][22] | 28 | Top 10 |
|
2024 | Bulacan | Chelsea Anne Manalo[23] | 24 | iaanunsyo |
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)